Gamitin ang social media sa pagpapalaganap ng katotohanan, panawagan ng CBCP sa taumbayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,261 total reads

Hinikayat ni CBCP Episcopal Commission on Social Communication at Boac Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ang publiko na maging mapanuri sa kanilang mga inilalabas na impormasyon sa social media.

Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Bishop Maralit, sinabi niya na dapat gamitin ng bawat isa ang social media accounts bilang tagapag-palaganap ng katotohanan sa halip na maging kasangkapan ng mga maling impormasyon.

Naniniwala ang Obispo na dapat nating isalang-alang ang resulta at magiging epekto sa iba ng ating mga inilalabas sa mga social media platforms.

“Ako nakita ko ang pakinabang kung paano ang isa mong post ay may ibig sabihin sa maraming tao. Ano mang i-post mo meron siyang kahulugan kaya nga kung ang ipopost mo ay mali o masama may kahulugan sa iba yun pero kung ang i-popost mo ay mabuti at may katotohanan o bagay na may kapaki-pakinabang sa kapwa yun ay [dapat] mag-amplify. Paliwanag ni Bishop Maralit.

Aminado si Bishop Maralit na dahil sa kagustuhan ng tao na maaliw at malibang ay hindi na nito alintana kung ang kanyang mga ibinahagi impormasyon ay totoo o huwad.

“Kapag magpopost ka pag-isipan mo muna at sana puno ng good intention ang ilalagay mo” paghikayat pa ng Obispo.

Ipinaalala ng Obispo na mahalaga ang pagsasaliklik at pagsuri sa mga nakakalap nating impormasyon upang hindi maging kasangkapan sa pagbago ng katotohanan.

“Tingnan muna natin ang other sources na maaring pagmulan ng information, [na] about the same reality mag-compare tayo ng mga sources natin na dapat tignan lalo na sa mga information na malakas ang dating sa atin” dagdag ng Obispo

Batay sa isang survey na ginawa ng Social Weather Station o SWS noong 2021, lumabas na 51 porsyento ng mga Pilipino ang nagiging biktima ng fake news sa iba’t-ibang social media platforms.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 9,790 total reads

 9,790 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 37,262 total reads

 37,262 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 77,821 total reads

 77,821 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 103,938 total reads

 103,938 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 152,205 total reads

 152,205 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 172,620 total reads

 172,620 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 107,937 total reads

 107,937 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top