Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nawawalang pari mula sa Diyosesis ng Imus, natagpuan na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,206 total views

Natagpuan na si Fr. Leoben Peregrino o mas kilala bilang Fr. Phem na mahigit-48 oras na nawala magmula nang umalis ito ng kumbento noong April 1, 2022.

Sa isang video na natanggap ng Veritas Patrol ay makikita ang sasakyan na lulan ang pari na nakatali ang mga kamay, paa, at leeg na agad namang tinulungan ng mga residente ng Barangay Lumil, Silang, Cavite.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na ang nangyari kay Fr. Phem na natagpuan halos tatlong araw matapos na ito ay mawala.

Sa pamamagitan naman ng Facebook post ay nagpaabot ng pasasalamat ang kapatid ni Fr. Phem na si Joel Peregrino sa lahat ng mga nanalangin para sa kaligtasan ng pari.

https://m.facebook.com/joel.peregrino.391?fref=nf

“Salamat po sa inyong mga panalangin. Dininig po ng Diyos ang ating mga dasal. Nakita na po si Father Phem Octavo Peregrino sa Barangay Lumil Silang, Cavite. Buhay po siya,” ayon kay Peregrino.

Si Fr. Phem ang kasalukuyang rektor at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of The Most Holy Rosary – Reina de Caracol sa Rosario, Cavite na saklaw ng Diocese of Imus..

Una nang ibinahagi ni Peregrino sa Radio Veritas na umalis ng kumbento si Fr. Phem noong April 1 bandang alas-9:30 ng umaga na tanging wallet lamang ang dala sakay ng sasakyan ng parokya na isang white Mitsubishi Adventure na may plate number na VES 470.

Kasunod nito ay mayroong nakakita sa pari na nagpapagasolina malapit sa isang mall sa Rosario, Cavite.

“Hindi n’ya po dala ang phone n’ya. Wallet lang po ang dala n’ya. Wala rin po siyang kasama noong umalis ng 9:30 AM sa simbahan,” ayon kay Peregrino sa panayam ng Radio Veritas.

Batay naman sa nakuhang CCTV footage, bandang alas-10:53 ng umaga nang dumaan ito sa Barangay Santiago, General Trias, Cavite kung saan huling namataan ang pari sa pagitan ng alas-11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali papalabas ng isang mall sa General Trias mayroong suot na violet na T-shirt at maong na pantalon.

Hinihiling naman ng pamilya ni Fr. Phem na patuloy itong isama sa panalangin matapos ang sinapit nito.

Samantala, hinihintay naman ang opisyal na pahayag ng Diocese of Imus kaugnay sa nangyari kay Fr. Phem.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 59,222 total views

 59,222 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 126,710 total views

 126,710 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 147,775 total views

 147,775 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 169,238 total views

 169,238 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 201,920 total views

 201,920 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top