Pagtakip sa mukha ng rebulto ng bayaning si Ninoy, kinundena ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,010 total reads

Kinundina ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang ginawang pagtakip sa rebulto ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa isang plaza sa Tarlac City kung saan idinaos ang campaign rally ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte noong Sabado, April 2, 2022.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay nagpahayag ng pagkadismaya ang Obispo sa tahasang pagtatakip ng tarpaulin at tent sa rebulto ng dating senator na nanguna sa pagtuligsa sa madilim na kasaysayan ng bansa sa ilalim ng diktadurya at Batas Militar ng rehimeng Marcos.

Paliwanag ni Bishop David, ang marahas na pagkamatay ni Ninoy Aquino ay maituturing na mitsya para sa muling pagkamit ng bansa ng kalayaan at demokrasya.

Ayon sa Obispo, hindi katanggap-tanggap ang ginawang pagtakip ng mga campaign organizers sa rebulto ng dating senator na maituturing na kawalang galang sa alaala at pagsasakripisyo nito ng kanyang buhay at dugo para sa demokrasya.

“If this is how we treat the memory of a man whose death helped save our country from the long dark years of tyranny and dictatorship, and whose blood watered the seeds of aspiration for the restoration of our freedom and democracy, then it must be said that he was wrong in believing that “The Filipino is worth dying for.”” bahagi ng pahayag ni Bishop David.
Pagbabahagi pa ni Obispo, tanging sa higit na pagkalugmok ang maaaring patunguhan ng isang bansa na itinuring na kalaban ang mga bayani at itinuturing na bayani naman ang mga kalaban.

Giit ni Bishop David, “A nation that treats its villains like heroes and its heroes like villains has nowhere to go but down the drain. It will be treated with contempt by the community of nations that used to be inspired by the fabled nobility of its citizens now gone.”

Si dating Senador Ninoy Aquino ay taga-Tarlac at isa sa mga nanguna laban sa rehimen ng dating pangulong diktador na si Ferdinand Marcos noong panahon Martial Law ay pinaslang habang hawak ng mga sundalo noong umuwi siya ng Pilipinas taong 1983.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 74,753 total reads

 74,753 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 122,560 total reads

 122,560 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 170,431 total reads

 170,431 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 274,378 total reads

 274,378 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 356,993 total reads

 356,993 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top