Pamahalaan, hinamon ng Obispo na parusahan ang mga sangkot sa smuggling ng agricultural products

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 635 total views

Ikinababahala ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang hindi akmang pagtugon ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga nagpapahirap sa mamamayan.

Ito ang pahayag ng Obispo matapos ang senate hearing kung saan tinalakay ang talamak na smuggling ng mga agricultural products sa Pilipinas na pumapatay sa lokal na sektor ng agrikultura sa bansa.

Ayon sa Obispo, dapat pananagutin ang mga opisyal sa pamahalaan na sangkot at nagbigay pahintulot upang makapasok ang mga smuggled goods sa bansa.

“It is alarming to note that there seems to be a growing sense of relativism in our time and among our people so much so that in their reading of the signs of the times they, unfortunately, have become distorted, while in their response to the challenging situations have become almost inappropriate if not irrelevant – ang tugon nila ay hindi akma doon actual na sitwasyon dahil napapangunahan ng makasariling interes at hindi ang interes ng nakararami,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Obispo.

Inihayag ni Bishop Bancud na bukod sa mga lider ng simbahang katolika ay kinakailangan ring manguna at makipag-laban para sa karapatan ng mga manggagawa sa agrikultura at iba pang sektor ang mga binyagang katoliko.

“Hindi lamang institutional church kundi ang bawat binyagan. Tayong lahat na bumubuo ng Sambahan, ang katawan ni Kristo. Very sadly, what seems to always happen is we wait for the institutional church to say and do something forgetting that each and everyone of us baptized,” pagbabahagi pa ng Obispo.

Ipinapanalangin rin ng Obispo ngayong panahon ng kuwaresma na magdulot ang mga pagninilay ng higit pang pagkakaisa sa lipunan at maiwaksi ang nagaganap sa kasamaan.

Ipinaoanalangin ni Bishop Bancud na magsilbing ring inspirasyon sa puso ng bawat mananampalataya ang muling pagkabuhay ni Hesus upang higit pang manindigan laban sa pananamantala, kasakiman at pagiging makasarili higit na ng mayroong mga posisyon sa pamahalaan.

“Ang aking dalangin, nawa ang biyayang dulot ng Panahon ng Kuwaresma bilang paghahanda sa dakilang kapistahan ng Muling Pagkabuhay ni Kristo ay magbunsod sa ating lahat na magkaisa sa pagsugpo ng malawak na kasamaan na lumalaganap sa iba’t-ibang larangan ng buhay, sa kultura, sa sports, sa panghanap buhay, sa edukasyon, sa politika, sa pampanilya na patuloy magpasa hanggang ngayon na nagpapahirap sa ating pamayanan,” pagbabahagi pa ni Bishop Bancud.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 50,848 total views

 50,848 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 60,212 total views

 60,212 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 86,668 total views

 86,668 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 135,266 total views

 135,266 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 136,902 total views

 136,902 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top