Obispo, humiling ng panalangin sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 843 total reads

Hiniling ni Catarman Bishop Emmanuel Trance sa mananampalataya ang patuloy na panalangin para sa misyon ng mga pastol ng Simbahan.

Ito ang pagninilay ng Obispo sa ginanap na Chrism Mass ng Diyosesis kung saan sinariwa ng mga pari ang pangakong pakikiisa sa misyon ni Hesus.

“We ask you to pray for your priests, and for your bishops as well. Prayer is the oxygen of our life, and your prayer continually bring us to the anointing on the day of our baptisms,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Trance.

Paalala ng Obispo sa mga pari na dumalo ang kahalagahan ng pakikiisa sa misyon ni Hesus bilang mga pari na naghahatid ng Mabuting Balita sa pamayanan.

Iginiit ni Bishop Trance na malaki ang maitutulong ng mga panalangin para sa kalakasan ng mga pari na ipagpatuloy ang misyon na maging tagapaglingkod sa sambayanan.

“In spite of our weaknesses and sinfulness we are staying strong to share with the mission of Christ, after all it is Jesus’ mission, we are just instruments, we are the servant leaders or the servant of the royal priesthood or the people of God. As God came not to be served, but to serve,” ani ng Obispo.

Kasabay nito ang pagbabasbas sa Banal na Langis na ginagamit sa mga Sakramento ng Simbahan kung saan ipinaliwanag ni Bishop Trance na ito ay sagisag ng presensya ni Hesus, kapatawaran ng kasalanan at pagkakataong makibahagi sa misyon ni Kristo.

Ginanap ang Chrism Mass sa Catarman Cathedral Parish sa pangunguna ni Bishop Trance kasama ang 42 mga pari at si Bishop Emeritus Angel Hobayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,481 total reads

 49,481 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,167 total reads

 129,167 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,614 total reads

 162,614 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,912 total reads

 197,912 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,500 total reads

 422,500 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top