Itayo ang dangal bilang Pilipino!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 766 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa paggunita ng bansa ng ika-80 taong Araw ng Kagitingan sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Director ng Caritas Philippines, mahalagang alalahanin at patuloy na kilalanin ang lahat ng mga nagbuwis ng buhay upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan laban sa pananakop ng mga dayuhang bansa.

Ibinahagi ng Obispo na ang tinatamasang kalayaan sa pananampalataya sa Diyos at dignidad ng pagiging Filipino sa kasalukuyang panahon ay bunga ng kagitingan at pagbubuwis ng buhay ng mga bayani ng bansa.

“Pagbati sa lahat ng ating mga kababayan na ngayon ay pinagdiriwang natin ang ating Araw ng Kagitingan, nawa ay maalala natin ang pagbuwis ng buhay ng marami nating mga kababayan upang makamit natin ang ating kalayaan at maipagmalaki natin ang ating dignidad bilang Filipino. Ngayong Araw ng Kagitingan ay ipinapakita natin ang ating pagka-Filipino, tayo ay may malalim na pananampalataya para sa ating Diyos at mayroon tayong malalim na pag-asa na tayo ay magkaroon ng kalayaan sa ating buhay.” Bishop Bagaforo sa panayam sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na bukod sa pananalangin ng pagpapasalamat sa Panginoon ay mahalaga rin ang patuloy na paninindigan at pagpapatatag sa dangal at demokrasya ng Pilipinas bilang paraan ng pag-alala sa mga bayani.

“Ngayong Araw ng Kagitingan ang panawagan natin ay unang-una ay itayo natin ang ating dangal bilang mga Filipino at pangalawa alalahanin natin na magpasalamat sa Diyos at sa ating mga kababayang nag-alay ng kanilang buhay sapagkat ang kanilang buhay ay naging pag-asa ng ating demokrasya, ng ating buhay na marangal at higit sa lahat ay ng bayang malaya at isang bayang malalim ang pananampalataya sa Diyos.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Ang Araw ng Kagitingan o Day of Valor ay isa ring pag-alala sa tinaguriang Bataan Death March kung saan sapilitang pinaglakad ng mga Hapon ang mga Filipino at Amerikanong sundalo na tinaguriang mga ‘prisoners of war’ mula Bataan hanggang San Fernando, Pampanga.

Batay sa tala, mula sa mahigit 75-libong Filipino at Amerikanong sumuko sa mga Hapon, nasa 5 hanggang 10-libo sa mga ito ang nasawi dahil sa naranasang kalupitan bukod pa sa gutom at sakit.

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 706 total reads

 706 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 6,501 total reads

 6,501 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 43,881 total reads

 43,881 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 75,152 total reads

 75,152 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 152,274 total reads

 152,274 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 246,179 total reads

 246,179 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 23,453 total reads

 23,453 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top