4th dose ng COVID 19 vaccine, importante sa senior citizens, immunocompromised at may comordibities

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 284 total views

Inihayag ni Dr. Tony Leachon, dating Special Adviser to the National Task Force on COVID-19 na mas makabubuting magpabakuna ng 4th dose ng COVID-19 vaccine ang lahat upang matiyak ang total immunization laban sa virus.

Ayon kay Leachon, ito’y dahil lumabas sa pagsusuri ng United States Food and Drug Administration (USFDA) at Center for Disease Control (CDC) na katulad ng naunang 1st at 2nd doses ng bakuna ay humihina rin ang epekto ng 3rd dose o booster shot makalipas ang tatlo hanggang anim na buwan.

“Lumabas sa research, ang 3rd dose pala nawawala din ang bisa; 3-6 months humihina nang konti. Kaya, that was the impetus as well for the 4th dose or ‘yung 2nd booster,” pahayag ni Leachon sa panayam sa Veritas Pilipinas.

Giit ng eksperto na bagamat hindi sapilitan ang muling pagpapabakuna, mahalaga ang 4th dose lalo na sa mga senior citizen, immunocompromised, at mayroong comorbidities.

Ito’y dahil kahit nagpabakuna na ng unang booster shot, mas mahina pa rin ang kanilang kalusugan na maaaring magdulot upang magkaroon ng mas malalang karamdaman.

“Samakatuwid, kung kayo po ay 65 [years old and above] at immunocompromised or any age na may comorbid conditions at kayo’y nakatatlong bakuna, may booster na, ang sina-suggest ng CDC ay mag-booster kayo. And that is the 4th dose para maging protektado kayo from any variant na lalabas po sa ating bansa,” saad ni Leachon.

Samantala, ayon sa Department of Health, nananatiling epektibo ang COVID-19 vaccines laban sa bagong variant ng coronavirus na Omicron XE.

Ang Omicron XE ay ang pinagsamang dalawang Omicron sub-variants na BA.1 at BA.2 strains na lumalabas kapag ang pasyente ay nahawaan ng maraming COVID-19 variants.

Paliwanag ng ahensya na ang COVID-19 vaccines ay mayroong tiyak na 30 hanggang 40 percent na proteksyon laban sa Omicron X at 80 porsyento naman laban sa severe diseases.

Batay sa pagsusuri ng World Health Organization, ang Omicron XE ay nasa 10 porsyento lamang ang posibilidad na makahawa, gayunpaman, patuloy pa rin itong pinag-aaralan.

Sa kasalukuyan, nasa 12-milyon mula sa halos 47-milyong indibidwal na ang nakatanggap ng booster shots.

Nasa higit 66-milyong indibidwal naman ang kumpleto na sa bakuna laban sa COVID-19 habang higit sa 71-milyon naman ang nakatanggap na ng unang dose.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 125,250 total views

 125,250 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 168,858 total views

 168,858 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 250,207 total views

 250,207 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 256,847 total views

 256,847 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top