239 total views

Homiliya Para sa Linggo ng Pagpapakasakit ng Panginoon, ika-10 ng Abril, 2022, Lk 22:14—23:56

Kung may kakaiba tungkol sa ulat ni San Lukas tungkol sa Pasyon at Kamatayan ni Hesus ito’y ang papel ni Satanas sa buong kuwento. Kaya ang naisip kong title para sa homiliyang ito ay ANG MULING PAGTUTUOS.

Kailangang balikan ang salaysay ni San Lukas tungkol sa ginawang panunukso ni Satanas noong namalagi si Hesus sa disyerto sa loob ng 40 araw. Dahil hindi nagtagumpay ang diyablo sa tatlong hirit ng panunukso na ginawa niya kay Hesus, sa dulo ng kuwento, sinasabi ni San Lukas, “Iniwan siya ni Satanas pero naghintay daw ito ng bagong pagkakataon.”

At ang huling mga araw ni Hesus sa Jerusalem ang naging pagkakataon na pinakahinta-hintay niya, ang tinatawag kong “muling pagtutuos”. Kumbaga sa isang puppet show, maraming mga karakter ang minanipula na parang mga puppet si Satanas para magtagumpay siya. Una, si Hudas, Iskariote. Sinasabi ni San Lukas, pumasok daw sa kanya si Satanas upang magtaksil kay Hesus sa halagang 30 pirasong pilak.

Ang pangalawa ay ang mga taong nanonood sa paglilitis kay Hesus. Madalas nating marinig ang kasabihang VOX POPULI, VOX DEI. Ang tinig daw ng taumbayan ay tinig ng Diyos. Totoo ba iyon? Oo, pero hindi lagi. Sa kuwento ng paglilitis kay Hesus, ang tinig ng taumbayan ay tinig ni Satanas. Ibig sabihin pumasok din siya sa mga tao at ginamit silang parang mga trolls.

Pinagboto pa raw ni Pilato ang mga tao. Tinanong niya sila kung sino ba sa dalawang kandidato ang pipiliin nila na palayain—si Hesus o si Barabas na isang tulisan. (Ang kahulugan ng Aramaicong pangalan na Bar’abbas ay “Anak ng Tatay”). Ang pinili ng marami ay si Barabas. Desisyon daw ng taumbayan. Tinig ba iyon ng Diyos? Hindi. Pinagkaisahan daw siya. Tulad ng nasabi ko minsan sa isang homily, hindi naman lahat ng pagkakaisa ay mabuti. Puwede ring magkaisa ang tao sa masama.

Nagtagumpay kasi ang mga trolls sa pagpapalaganap ng mga kasinungalingan laban kay Hesus. Napaniwala naman ang marami kaya mas malakas ang sigaw ng mga pumapanig kay Barabas. Ngunit hindi totoong kanila ang tinig na iyon kundi sa kampon ng kadiliman. Parang hanggang ngayon ganyan pa rin ang drama ng kaligtasan. Mahusay magmaniobra ang diyablo para maipanalo ang kandidato niyang kawatan.

Noong nakaraang Solidarity Mass for the Moral Choice na ginanap sa Baclaran, nasabi ko doon na madalas i-quote yung sinabi diumano ni Hesus sa Juan 8:32, “Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Nakakalimutan nilang basahin ang mga naunang linya: “KUNG PANININDIGÁN NINYO ang mga turo ko, kayo ay magiging mga alagad ko. Makikilala ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Palalayain ba talaga tayo ng katotohanan? Depende. Meron siyang KUNG—kung mapaninindigan natin ang mga turo niya.

Alam din naman ni Pilato ang katotohanan. Nag-imbestiga pa nga siya at nalaman niyang hindi totoo ang mga akusasyon laban sa kay Hesus. Pero pinanindigan ba niya ang totoo? Hindi. Sa halip, naghugas-kamay siya. Pinili niyang maging neutral dahil sa takot na baka mawalan siya ng kapangyarihan. Ibig sabihin pinasok rin siya ni Satanas.

Ang huling hirit ni Satanas ay noong nakapako na si Hesus sa krus. Mga pinuno naman ng bayan ang sinaniban niya. Ganito raw ang isinigaw nila kay Hesus habang nakapako siya sa krus, “Iniligtas niya ang ibang tao, ILIGTAS NAMAN NIYA NGAYON ANG SARILI NIYA kung siya nga ang Kristo, ang hinirang ng Diyos.” Tatlong beses uulit ang mensaheng ito. Parang pag-uulit ng tatlong tukso sa disyerto. Ang pangalawa ay lalabas naman sa bibig ng mga sundalong pinasok din ng diyablo. “Kung hari ka nga ng mga Hudyo, ILIGTAS MO ANG SARILI MO.” At ang pangatlo ay bibigkasin naman ng isa sa dalawang kriminal na kasama ni Hesus na ipinako sa kalbaryo. Sabi niya, “Hindi ba’t ikaw ang Kristo, ILIGTAS MO ANG SARILI MO at iligtas mo kami.” Tinig din iyon ni Satanas.

Pero nabigo ang dimonyo sa pangalawang kriminal. Ang lumabas sa bibig nito ay pagpapakumbaba at pag-amin sa kanyang kasalanan. Imbes na si Satanas, siya ang nakahirit pa rin na magligtas sa huling sandali. At ang pinakamasaklap na failure ni Satanas ay hanggang sa huling sandali, hindi iniligtas ni Hesus ang sarili. Sa halip, inialay niya ang sarili bilang PANTUBOS sa mga nais angkinin ni Satanas.

Noon ko pa ipinagtataka kung bakit MAHAL NA ARAW ang translation natin ng Holy Week o Semana Santa, imbes na Banal na Linggo. Paalala siguro ito sa atin na NAPAKAMAHAL ng ipinantubos ng Anak ng Diyos sa atin. Hindi dugo ng hayop, hindi alay, hindi sakripisyo. Ang pantubos niya, buhay niya. Ang nag-aalay at ang handog na iniaaalay ay naging iisa kay Kristo.

Mas sanay tayo sa mga bidang nananatiling ligtas habang sila’y nagliligtas. Ibang klaseng tagapagligtas si Hesus. Hindi niya ililigtas ang sarili hanggang sa huling sandali. Dahil mahal niya ang tinutubos niya, mahal din ang pantubos niya—sarili niya. Akala ni Satanas, ang pagkamatay ng Anak ng Diyos ay hudyat ng pagkatalo. Nagkamali siya. Hudyat pala ito ng tagumpay ng Diyos. Kumbaga sa larong chess, CHECKMATE ang diyablo.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 34,458 total views

 34,458 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 39,876 total views

 39,876 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 46,583 total views

 46,583 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 61,378 total views

 61,378 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 67,534 total views

 67,534 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWAKENING

 723 total views

 723 total views Homily for Tuesday of the 6th Week of Easter, 07 May 2024, Jn 16:5-11 Pope Francis, in his dialogue with parish priests, told a story about a man who had a conversion experience and told the then archbishop how it happened and how he believed that he was being called by the Lord

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SINASAMBA KITA

 1,107 total views

 1,107 total views Homiliya para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-5 ng Mayo 2024, Juan 15:9-17 (Pista ng Mahal na Ina ng Grasya) Kagagaling namin sa Roma, sa International Synodal Consultation for Parish Priests. Ang huling araw ang pinakahinihintay ng mga pari—ang audience with the Holy Father. Habang nakapila kami, isa-isa kaming sinasabihan ng audience

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 12,062 total views

 12,062 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 10,894 total views

 10,894 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 10,880 total views

 10,880 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 10,879 total views

 10,879 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 10,882 total views

 10,882 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 10,884 total views

 10,884 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

 10,887 total views

 10,887 total views Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 14,195 total views

 14,195 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 14,188 total views

 14,188 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 14,189 total views

 14,189 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 14,153 total views

 14,153 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 22,729 total views

 22,729 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 17,862 total views

 17,862 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top