Synodality, konkretong hakbang ng simbahan sa pakikipagdayalogo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 858 total reads

Kinilala ni Missiologist-priest Father Stephen Bevans, SVD ang synodality bilang konkretong hakbang ng simbahan sa pakikipagdayalogo.

Sa International Missiology Symposium sa ikalawang araw ng National Mission Congress (N-M-C) binigyang diin ni Fr. Bevans ang kahalagahan ng dayalogo sa pagmimisyon ng simbahang katolika.

Naniniwala ang pari na makatutulong sa simbahan ang sinodo na isinusulong ni Pope Francis sapagkat pagkakataon itong mapakinggan ang lahat ng sektor ng lipunan.

“I believe synodality is a complete exercise of prophetic dialogue; it is a process, based on dialogue, listening, and real encounter that needs to take place in every sector of the church as the church makes decisions,” bahagi ng pahayag ni Fr. Bevans.

Binigyang diin ng pari na ang pagmimisyon ay isang pakikipag-ugnayan sa pamayanan, pakikipagkapwa at higit sa lahat paghahanap ng kanlungan ng bawat isa.
Aniya malaking gampanin ng simbahan na abutin ang bawat nasasakupan lalo na ang mga maralita sa lipunan.

“The new direction of mission is not geographical at all but most importantly it is a move toward people especially those on peripheries,” ani Fr. Bevans.

Ang National Mission Congress na binuksan noong April 17 ay pinakatampok sa pagdiriwang ng bansa sa 500 Years of Christianity at pagtatapos sa Year of Missio Ad Gentes.
Pangungunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang closing mass ng N-M-C sa April 24, Divine Mercy Sunday sa alas 10:30 ng umaga na susunda ng send-off ceremony.

Bukod sa mga opisyal ng CBCP makikibahagi rin sa pagdiriwang si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 15,978 total reads

 15,978 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 49,258 total reads

 49,258 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 89,817 total reads

 89,817 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 114,995 total reads

 114,995 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 163,262 total reads

 163,262 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 183,326 total reads

 183,326 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top