Simbahang Katolika at Pangulong Duterte magkakampi sa common good

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 470 total views

Ito ang tiniyak ni Caritas Manila executive director at Radio Veritas President Father Anton CT Pascual sa panayam ng himpilan ng katotohanan at TV Maria.

Nilinaw ni Father Pascual na ang Simbahan at pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay magkakampi sa common good ng lahat ng mamamayan lalo na sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Father Pascual, kaisa ng Pangulong Duterte ang Simbahan sa kampanya para;
1. Hulihin ang lahat ng drug lord at pusher.
2. Ibulgar ang mga pangalan ng konektado sa droga.
3. Litisin agad at ikulong ang mga magkasala sa bayan na sangkot sa droga.
4. Rehabilitasyon ng mga addict.
5. Bigyan ng livelihood at skills training para magkaroon ng alternatibo sa hanapbuhay ang dating adik.
6. Magturo ng values formation sa mga dating adik.
7. Magkaroon ng counselling sa mga dating adik at pamilya.
8. Ilapit sa Diyos ang mga nagbabalik loob at nais magbagong buhay.
9. Linisin ang pamahalaan sa lahat ng konektado sa droga at kasuhan.
10. Ibalik ang tiwala sa pamahalaan na tunay na paglilingkod sa bayan.

Sinabi ng pari na sa mga nabanggit ay nagkakasundo ang pamahalaan at Simbahan.

Inihayag ni Father Pascual na bunsod ng hangaring ito ay itinatag ng Archdiocese of Manila sa pangunguna ng Caritas Manila Restorative Justice Ministry katuwang ang LGUs, D-O-H at iba pang chucrh institution ang “Sanlakbay Tungo sa Pagbabago” program na naglalayong tulungang maging kapaki-pakinabang na mamamayan ang mga naligaw ng landas.

See:http://www.veritas846.ph/holistic-rehabilitation-program-gagamitin-ng-simbahan-sa-mga-drug-dependent/

Ang Sanlakbay program ay itinatag sa 80-parokya na nasasakop ng Archdiocese of Manila.

Nauna rito, hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga drug dependents na sumailalim sa Sanlakbay program ng Simbahan.

See:http://www.veritas846.ph/simbahan-bukas-ang-pintuan-sa-drug-dependents-cardinal-tagle/

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 3,600 ang napapatay sa war on drugs ng pamahalaan kabilang na ang 1,300 drug suspects na nasawi sa pakikipaglaban sa mga otoridad simula June 30 hanggang sa kasalukuyan kung saan 36-katao ang namamatay kada araw.

Sa datos, kabuuang 23,500 ang inilunsad na raid ng Philippine National Police kung saan 22,250 drug suspects at dealers ang naaresto.

Umaabot naman sa 732,000 drug addicts ang sumuko sa mga otoridad sa takot na mapatay sa pina-igting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 2,410 total views

 2,410 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 20,210 total views

 20,210 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 20,210 total views

 20,210 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 133,989 total views

 133,989 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 156,383 total views

 156,383 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 100 total views

 100 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 225,069 total views

 225,069 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top