Mananampalataya, inaanyayahang tangkilikin docu-film na “PILGRIM”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 889 total reads

Inaanyayahan ni Rev. Fr. Victor Sadaya, General Manager ng Radio Veritas Asia (RVA), ang publiko na tangkilikin ang documentary film (docu-film) na ‘Pilgrim: 500 Years of Catholic Faith in the Philippines’.

Tampok sa docu-film na likha ng Radio Veritas 846 at RVA katuwang ang Creative Travel and Tours International at Tourism Promotions Board kung papaano nagsimula, lumaganap at nagpatuloy ang pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas 500-taon na ang nakakalipas.

“Inaanyayahan ko kayo dito sa pagpapanuod ng ating original na documentary drama tungkol sa paglalakbay ng pananampalataya ng mga Pilipino, ang kahalagahan nito dito’y pinapakita sa atin kung paano tayo biniyayaan ng Panginoon ng pananampalatayang ito papaano ito lumago,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Pari.

Mensahe ni Fr. Sadaya ang layuning maipabatid sa mga makakapanuod sa pelikula ang kahalagahan na patuloy isabuhay ang pananampalatayang katoliko upang lumaganap pa ang pananampalatayang regalo ng Panginoon sa sangkatauhan.

Hiling din ng Pari sa bawat mananampalataya na gunitain ang tema ng 500-years of Christianity na ‘Gifted to Give’ na pagpapakita at pagsasabuhay ng pananampalataya sa Panginoon.

Ayon naman kay Bishop Bernardino Cortez ng Prelatura ng Infanta, ipinapakita ng pelikula ng pananampalatayang Kristiyano ang pagiging matatag na katangian ng mga Pilipino sa kabila ng pagharap sa bawat pagsubok.

Ayon pa sa Obispo, naway magsilbing hudyat ang docu-film ng mas pinalawig na ebanghelisasisyon ng pananampalatayang katoliko dahil maari nitong mapukaw at mapaintindi sa mga makakapanuod ang kabutihang kaloob ng Diyos sa pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas 500-taon na ang nakakalipas.

“Pinakita doon na masasabi sa ating mga Pilipino ang saya ng Pilipinas at kung ano-ano ang nagagawa ng pananampalataya sa atin sa gitna ng mga giyera lahat ng pinagdaanan, nakatayo parin tayo, sana lumabas doon ang kagandahang loob ng mga Pilipino,” ayon din sa panayam ng Radio Veritas sa Obispo.

Sa naganap premiere night ng docu-film noong April 23 sa himpilan ng Radio Veritas Asia ay nagkaroon ng turn-over ceremony kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Kalookan Pablo Virgilio David upang matiyak na mapapanuod ito sa lahat ng Diyosesis at Arkidiyosesis sa buong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 4,377 total reads

 4,377 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 89,941 total reads

 89,941 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 184,277 total reads

 184,277 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 245,964 total reads

 245,964 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 291,635 total reads

 291,635 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top