Pagyamanin ang pananampalatayang Kristiyano, panawagan ng AVOSA sa mga OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 860 total reads

Hinimok ng opisyal ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia (AVOSA) ang mga katolikong Pilipino sa Middle East na pagyamanin ang pananampalatayang kristiyano.

Ito ang mensahe Fr. Troy De Los Santos, OFM Capuchin ang Vicar General ng AVOSA sa pagtatapos ng 500 Years of Christianity celebrations sa United Arab Emirates.

Hamon ng pari sa mga Overseas Filipinos sa UAE na patuloy ipalaganap ang kristiyanismo bilang mga misyonerong katuwang ng simbahang katolika.

“Hindi ibig sabihin na tinatapos natin ang selebrasyon [500YoC] ay hihinto na tayo, bagkus tayong mga Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi at sa buong UAE ay patuloy nating papagningasin, papag-alabin at pagyamanin ang magandang regalo ng ating pananampalataya na tinanggap ng mga ninunuo,” pahayag ni Fr. De Los Santos sa Radio Veritas.

Ginanap ang ‘closing mass’ ng ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa Saint Joseph Cathedral sa Abu Dhabi na dinaluhan ng daan-daang OFWs sa pangunguna ni Fr. De Los Santos noong April 24 kasabay ng kapistahan ng Divine Mercy.

Kasabay ng pagdiriwang ng 500YoC sa Pilipinas, inilunsad din ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi ang iba’t ibang programa tulad ng mga online recollection at mga panayam ng mga lider ng simbahang katolika na makatutulong mapayabong ang kristiyanismo kahit malayo sa Pilipinas.

Ilan sa mga nagbahagi ng panayam ay sina Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Dicastery for New Evangelization, CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at iba pang opisyal ng simbahan sa Pilipinas.

Hamon ni Fr. De Los Santos sa bawat Pilipinong katoliko na ipagpatuloy ang pagiging misyonero sa bawat komunidad na kinabibilangan.

“Tungkulin ng bawat isa na ipasa ang kaloob na pananampalataya sa mga susunod na henerasyon,” giit ni Fr. De Los Santos.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 2,362 total reads

 2,362 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 125,066 total reads

 125,066 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 185,561 total reads

 185,561 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 199,710 total reads

 199,710 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 280,368 total reads

 280,368 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 376,721 total reads

 376,721 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top