Talikuran na ang mga gawaing nakakasira sa kalikasan, hamon ng Pari sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 921 total reads

Pinaalalahanan ni Franciscan priest Father Angel Cortez ang mananampalataya na simulan nang talikuran ang mga institusyon at gawaing nagdudulot ng pinsala sa kalikasan.

Ayon kay Fr. Cortez, miyembro ng International Steering Committee ng Laudato Si’ Action Platform ng Vatican Dicastery for Integral Human Development, kinakailangan na ng daigdig ang mga konkretong solusyon upang mailigtas ito sa tuluyang pagkasira dulot ng pagbabago ng klima.

“I think it’s really a global call na tayo mismo bilang mga Pilipino ay dapat mayroon na talaga tayong konkretong gawin. Hindi na ito usapin ng adbokasiya lamang o usapin na kampanya kundi simulan natin sa isang konkretong gawain,” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy naman ng pari ang industriya ng coal-fired power plants, pagmimina, fossil fuel, at iba pa na nag-iiwan ng pangmatagalang pinsala sa kapaligiran at paghihirap sa mga tao.

Sinabi ni Fr. Cortez na dapat nang itigil ng mga bangko sa bansa ang pamumuhunan sa mga mapaminsalang proyekto at sa halip ay suportahan ang pagtangkilik sa renewable energy resources na tiyak na mura, malinis, at ligtas para sa kalikasan at tao.

Hinimok din ng pari ang bawat isa na baguhin ang mga nakagawian at simulang mamuhay nang sapat.

Paliwanag ng opisyal na hindi lamang sa pagtitipid sa enerhiya, tubig at pagtatanim ng mga puno nakatuon ang pangangalaga sa kalikasan kundi maging sa pagpili at pagbili sa mga bagay na hindi naman gaano kinakailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay.

“Iyong mga bagay na hindi naman talaga natin kailangan ay huwag muna natin bilhin o kunin. Sapagkat in reality, lahat ‘yun may kaugnayan doon sa tinatawag nating ekolohiya. Kaya nga siya integral ecology, so bawat binibili natin, bawat desisyon natin, it will really affect our climate situation,” ayon kay Fr. Cortez.

Nauna nang hinamon ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Stewardship Office chairman at Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na ibagay ang “lifestyle” sa suliraning hinaharap ng kalikasan.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 2,332 total reads

 2,332 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 125,025 total reads

 125,025 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 185,520 total reads

 185,520 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 199,673 total reads

 199,673 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 280,331 total reads

 280,331 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 376,689 total reads

 376,689 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 67,545 total reads

 67,545 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top