Pagpapabuti ng health sector, hamon sa mga mahahal na pinuno ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 835 total views

Hinamon ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mahahalal na kandidato sa May 9 elections na pagtuunan ang pagpapabuti sa sektor ng pangkalusugan ng bansa.

Ito’y ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Health Care vice-chairman, Military Bishop Oscar Jaime Florencio kaugnay sa pagtugon sa mga pangangailangan hindi lamang ng mga pasyente kundi maging ng mga healthcare workers.

“Pagbigyan naman natin ng solusyon ang healthcare system dahil ito ay importante sa buhay ng bawat mamamayan,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Florencio na sa pag-iral ng pandemya, napansin ang iba’t ibang suliranin na dapat tugunan sa health care system ng bansa.

Tinukoy ng obispo ang mabagal na pagtugon at pagbibigay-lunas sa mga pasyenteng mayroong COVID-19, gayundin ang hindi tamang pagbibigay ng benepisyo sa mga healthcare workers.

Batid din ng opisyal ang katiwalian sa iba’t ibang ahensya ng healthcare sector na dapat nang iwaksi ng pamahalaan.

Panawagan naman ni Bishop Florencio sa mga mananalong kandidato ay isaalang-alang ang paglalaan ng mas malaking pondo sa sektor ng kalusugan nang sa gayon ay mas makapagbahagi nang wastong serbisyong kinakailangan ng publiko.

“Dapat ang healthcare ng bansa ay pagtuunan natin at ito po ay mahalaga dahil ang katumbas nito ay buhay natin. Tingnan nila kung anong mga bagay ang maaaring gawin para sa ikabubuti ng mamamayan. We are there to serve the whole -kabuuan ng mamamayang Pilipino,” ayon sa obispo.

Dalangin pa ni Bishop Florencio ang paggabay ng Panginoon sa mamamayan upang malinaw na makapili at makaboto ng karapat-dapat na lider ng bayan na tutuparin ang mga platapormang magtataguyod para sa ikabubuti ng nakararami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lason sa utak ng kabataan

 18,335 total views

 18,335 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 44,986 total views

 44,986 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 140,044 total views

 140,044 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 161,724 total views

 161,724 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 175,597 total views

 175,597 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top