Philhealth premium, ilulunsad nationwide ng PHILHEALTH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 737 total reads

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapalawig ng mga inisyatibo sa Universal Healthcare System ng bansa.

Ayon kay Shirley Domingo – PhilHealth Vice-President for Corporate Affairs Group, layunin ng kanilang ahensya na maabot ang bawat Pilipino maging ang mga nasa pinakamahihirap na lugar upang maging miyembro.

Ito ay sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga Programang katulad ng ‘Alaga ka’ sa ibat-ibang rehiyon, na pinapaalam ang kahalagahan ng pagkakamit ng PhilHealth Premium.

“Yung importante is malaman nila ang kanilang mga benefits through information drive yung ating mga regions po ay nagko-conduct ng tinatawag nating ‘Alaga Ka’ yung maraming participants diyan is from the indigent sector although lately just before the pandemic kino-conduct narin sa ibang membership sector,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Domingo.

Nilinaw naman ni Rex Paul Recoter – PhilHealth Senior Manager Formal Sector-Member Management Group para sa mga kasambahay na kumikita ng hindi tataas ng 5-libong piso kada buwan na hindi na ikakaltas sa kanilang sahod ang buwanang PhilHealth premium membership.

Sa halip ayon kay Recoter ang kanilang mga employers ang kakailanganing magbayad ng bayarin, habang kung tataas hindi naman tataas sa 10-libong piso ang sahod ay tig 50% hatian sa pagitan ng kasambahay at kanilang employers.

Inihayag naman ni Dra. Mary Antonette Remonte – PhilHealth Acting Senior Vice-president for health Finance Policy Sector na padadaliin ng ahensiya ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga kabilang sa Severe Acute Malnutrition (SAM).

Ayon kay Remonte, sa pamamagitan ng hakbang katulong ng agapay ng mga lokal na pamahalaan at Department of Health ay mapapalawig ng PhilHealth ang tuluyang pagsugpo sa suliranin ng malnutrisyon higit na sa mga kabataan.

Matapos ang kaniyang operasyon sa kondisyon ng ‘colon diverticulitis’ noong nakalipas na taon ay nanawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco na gawing libre ang Universal Health Care System sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 79,648 total reads

 79,648 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 120,208 total reads

 120,208 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 143,254 total reads

 143,254 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 191,522 total reads

 191,522 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 210,511 total reads

 210,511 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top