296 total views

Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay, 05 May 2022, Jn 6:44-51

Noong nakaraang Martes ipinagdiwang ng simbahang Katolika ang kapistahan nina San Felipe at Santiago Menor, dalawa sa orihinal na labindalawang apostol. Dapat sana noon binasa ang narinig nating kwento sa unang pagbasa natin ngayon—tungkol sa pagmimisyon ni Apostol San Felipe.

Ayon sa kuwento, narinig daw ni San Felipe na nagbabasa ang isang tao mula sa propeta Isaias habang nasa biyahe siya at nakasakay ng karuwahe. Ang taong ito ay isang Africano, galing sa bansang Ethiopia, pero sumamba daw siya sa Jerusalem; Ibig sabihin Hudyo rin siya. Ayon sa tradisyon, ang Reyna ng Sheba na tagahanga ni Haring Solomon ang nagdala pananampalatayang Hudyo sa Ethiopia.

Maganda ang entrada ni San Felipe para magkausap sila habang daan. Tinanong daw niya ang Africano, “Naiintindihan mo ba ang binabasa mo?” At ang sagot ng Africano ay, “Paano ko maiiintindihan kung walang magtuturo sa akin?”

Ang binabasa niya ay isa sa pinakamahirap na kabanata sa komposisyon ng propeta—ang chapter 53, tungkol sa tinatawag na “Tagapaglingkod ng Diyos” na ang katulad daw ay isang “tupang tahimik na dinala sa katayan, pinagkaitan ng katarungan, hinuli, hinatulan, hinamak at pinatay, kahit walang kasalanan.” Sabi pa ng kasunod na talata, “Sa pamamagitan ng karunungan ng aking matapat na lingkod ay marami ang maitutuwid, at magdurusa siya para sa kanilang mga kasalanan.”

Naranasan nyo na ba ang magbasa sa Bibliya, at parang ang lakas ng dating sa iyo ng binabasa mo? Palagay ko, ganito ang nararamdaman ng Africanong kausap ni San Felipe. Siyanga pala, “Eunuko” ang tawag sa mga katulad niya na utusan sa korte ng Reyna ng Ethiopia.

Noong mga panahon na iyon, may mga lalaking, sa hindi nila kagustuhan, ay pilit na pinalalaki upang kumilos at mabuhay bilang babae at hindi bilang lalaki. Ibig sabihin, mula pa sa pagkabata inilalayo na sila sa pamilya nila, at kinakapon sila na parang aso para burahin ang sekswalidad nila at ginagawang mga yaya ng mga royal family. Para silang hindi tao. Hindi sila bading; sila’y kusang binading. Pero required na magbasa at sumulat dahil naglilingkod sa palasyo. Ang buhay ng mga eunuko ay batbat ng pasakit at kaapihan. Kaya siguro ang eunuko sa ating kuwento ay nagbabasa ng Bibliya. Naghahanap siya ng kahulugan sa buhay niya.

At sa mismong sandaling iyon, Si San Felipe ang ipinadala ng Diyos sa kanya upang turuan siyang humugot ng kahulugan na magbibigay liwanag sa madilim niyang buhay. Palagay ko iyon din naman ang dahilan kung bakit marami pa rin ang followers ng Misang ito sa online. Hindi naman para makinig sa akin, kundi siguro dahil may nakukuha kayong liwanag sa Salita ng Diyos.

Sa ating ebanghelyo, sinasabi ni Hesus, “Nasusulat sa mga propeta, silang lahat ay tuturuan ng Diyos.” Ganito ang paboritong larawan ng mga Hudyo tungkol sa Diyos—isang Guro. Kaya ang tawag sa unang limang aklat ng Bibliya ay TORAH. Ewan ko ba kung bakit kapag Tinatagalog ito, ang translation ay BATAS. Sa orihinal na kahulugan nito, mas malapit ang TORAH sa salitang Tagalog na TURO.

Sa tingin ko ang background ng sinasabi ni Hesus tungkol sa Tinapay ng Buhay ay galing sa Torah, sa Aklat ng Deuteronomio 8. Sa verse 3, sabi ng manunulat, “Hinayaan niya kayong dumanas ng gutom sa disyerto, at pagkatapos, pinakain niya kayo ng ‘manna’ – isang klase ng pagkain na hindi pa ninyo natitikman, maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa niya ito upang ITURO sa inyo na ang tao ay hindi lang sa tinapay nabubuhay kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Panginoon.”

Kaya ang tinutukoy ni Hesus na “tinapay ng buhay”, ang “kakanin sa araw-araw” na dapat daw nating ipagdasal na tayo’y pagkalooban ng Ama natin, ay walang iba kundi ang kanyang Salita. Sa umpisang-umpisa pa lang ng ebanghelyo ni San Juan, ipinakilala na kaagad ang Salita na lumikha sa mundo mula pa noong simula. Na ang Salita mismo ay Diyos, at ito’y nagkatawang-tao kay Hesus.

Siya ang Lingkod ng Diyos na ipinaliwanag ni San Felipe sa Africanong sinabayan niya sa paglalakbay at tinuruan niya. Siya ang pagkaing galing sa langit. Kaya siguro pag naririnig natin, nabubuhayan tayo ng loob, nakakasilip ng pag-asa, napapawi ang gutom. Kapag kinain natin siya, binabago niya tayo, ginagawa tayong katulad ng Lingkod ng Diyos—handang maghandog ng sariling buhay para sa kaligtasan ng marami, lalo na ng mga nalilihis ang landas.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 30,537 total views

 30,537 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 35,955 total views

 35,955 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 42,662 total views

 42,662 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 57,457 total views

 57,457 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 63,613 total views

 63,613 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWAKENING

 631 total views

 631 total views Homily for Tuesday of the 6th Week of Easter, 07 May 2024, Jn 16:5-11 Pope Francis, in his dialogue with parish priests, told a story about a man who had a conversion experience and told the then archbishop how it happened and how he believed that he was being called by the Lord

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SINASAMBA KITA

 1,015 total views

 1,015 total views Homiliya para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-5 ng Mayo 2024, Juan 15:9-17 (Pista ng Mahal na Ina ng Grasya) Kagagaling namin sa Roma, sa International Synodal Consultation for Parish Priests. Ang huling araw ang pinakahinihintay ng mga pari—ang audience with the Holy Father. Habang nakapila kami, isa-isa kaming sinasabihan ng audience

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 11,970 total views

 11,970 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 10,802 total views

 10,802 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 10,788 total views

 10,788 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 10,787 total views

 10,787 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 10,790 total views

 10,790 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 10,792 total views

 10,792 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

 10,795 total views

 10,795 total views Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 14,103 total views

 14,103 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 14,096 total views

 14,096 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 14,097 total views

 14,097 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 14,061 total views

 14,061 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 22,637 total views

 22,637 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 17,770 total views

 17,770 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top