Birheng Maria, gabay ng sangkatauhan tungo kay Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,093 total reads

Inihayag ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas ang kahalagahan ng tungkulin ng Mahal na Birhen bilang tagapamagitan sa Panginoon.

Ito ang pagninilay ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima noong Mayo 13.

Ipinaliwanag ng Nuncio na bilang ina ay ginampanan ni Maria ang pagkalinga sa sangkatauhan at paggabay tungo sa kanyang anak na si Hesus.

“She [Mary] is never in the front or calling attention to herself but she is a silent presence for us Christians directing us to Jesus and protecting Jesus in us and see in us what she saw in Jesus,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Muling hinimok ng arsobispo ang mananampalataya na tularan ang mga halimbawa ng Mahal na Birhen na buong pusong sumunod sa kalooban ng Panginoon.

Ipinaalala rin ni Archbishop Brown ang mga mensahe ng Mahal na Ina sa paggunita ng ika – 105 anibersaryo ng pagpakita nito sa tatlong bata sa Fatima Portugal noong 1917.

Kabilang na rito ang pananalangin ng Santo Rosaryo upang makamtan ng sandaigdigan ang kapayapaan.
Matatandaang nagpakita ang Mahal na Ina kina Lucia dos Santos, San Jacinta at San Francisco Marto sa Cova Da Iria tuwing ika – 13 ng buwan mula Mayo hanggang Oktubre 1917 at paulit-ulit nitong hiniling ang taimtim na pananalangin at pagbabalik loob ng mamamayan.

Pinangunahan ni Archbishop Brown ang banal na misa sa National Shrine of the Our Lady of Fatima kasama sina Malolos Bishop Dennis Villarojo, Iba Zambales Bishop Bartolome Santos at Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez kasama ang mga pari ng diyosesis.

Taong 1961 nang maitatag ang parokya at itinalaga sa Our Lady of Fatima, 1976 naman ng ideklara ito ng Catholic Bishops Conference of the Philippines bilang national shrine habang 2011 nang opisyal na ideklarang patron ng lungsod ng Valenzuela.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 15,330 total reads

 15,330 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 96,800 total reads

 96,800 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 130,249 total reads

 130,249 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 165,548 total reads

 165,548 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 391,564 total reads

 391,564 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top