Resilient Infrastructure

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 359 total views

Kapanalig, ang ating bansa ay isa sa mga bayang napaka-bulnerable sa climate change sa buong mundo. Sa katunayan, noong 2019, tayo ay itinuturing na pinaka-bulnerable base sa report ng Institute for Economics and Peace. Ayon naman sa Fitch’s Climate Change Physical Risk Exposure Heatmap noong Nobyembre 2021, pang-apat naman tayo pagdating sa mga baha at mga bagyo.

Hindi na nakakapagtaka kapanalig na natuturing tayo na isa sa pinaka-bulnerable sa climate change – napapaligiran tayo ng katubigan at mahigit pa sa 20 bagyo ang dumadalaw sa atin kada taon. Nasa earthquake belt din tayo. Kaya kailangang, lagi tayong handa.

Kapanalig, kailangang matutukan ng ating bayan ang resilient infrastructure. Marami sa ating mga facilities, lalo na sa mga kanayunan, hindi handa sa mga banta ng climate change. Ang mga kabahayan natin hindi kaya ang mga hanging dala ng mga bagyong tulad ni Yolanda, ang ating mga gusali ay hindi handa para sa mga panahon na matindi ang tag-init. Ang ating mga kalye ay lagi na lamang lubog sa baha kada malakas ang ulan. Lahat ng ito ay nagpapakita na hindi pa climate-resilient ang ating mga imprastraktura.

Ang ganitong sitwasyon ay malaki ang implikasyon sa ating kinabukasan. Habang hindi handa ang ating imprastraktura, ang buhay ng maraming  mamamayan ay nasa panganib – kulang sa proteksyon.  Sa panahong madaling masira ang mga imprastraktura ng bayan kapag may sakuna, mas maraming mga tao ang nasasaktan at  nahihirapan mailigtas.

Time-saving at life-saving kapanalig, ang resilient infrastructure. Mababawasan ang mga taong bulnerable sa panganib kapag ang mga imprastrakturang nakapalibot sa kanila ay matibay. Mababawasan ang pinsala sa kabuhayan kapag ang mga pasilidad ng bayan ay matatag.

Kada sakuna, dahil mahina ang imprastraktura, palaki ng palaki ang nagiging damage o pinsala sa bayan. Mas malaki ang nagiging epekto sa ating ekonomiya, kapanalig, kung madaling masira ang ating mga kalsada, tulay, at iba pang imprastraktura. Pinapa-bagal nito ang growth o paglago ng bayan. At sa panahong sunod sunod ang sakuna, gaya ng sunod sunod na bagyo sa atin, halos hindi na makabangon pa ang mga mamamayan, kasama na rin ang ekonomiya.

Kapanalig, sa pagpa-plano pa lang sa ating mga siyudad, kailangan ma-integrate na natin ang resilience – iprayoridad ito sa pagsasagawa ng mga public infrastructure. Kailangang makita ng mga namamahala ang long-term benefits ng resilient infrastructure. Ayon nga sa Global Climate Change: A Plea for Dialogue, Prudence, and the Common Good, U.S. Conference of Catholic Bishops: True stewardship requires changes in human actions—both in moral behavior and technical advancement. Huwag sana tayo maging bulag sa katotohanan na sa mga bansang gaya ng sa atin, kailangan matibay- climate resilient- ang mga pasilidad at imprastraktura. Buhay at kabuhayan ang ating pino-protektahan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 37,834 total views

 37,834 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 68,057 total views

 68,057 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 94,708 total views

 94,708 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 189,681 total views

 189,681 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 208,363 total views

 208,363 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 37,835 total views

 37,835 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 68,058 total views

 68,058 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 94,709 total views

 94,709 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 189,682 total views

 189,682 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top