Personal na pagtanggap ng banal na sakramento sa mga simbahan, panawagan ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 655 total views

Sikaping muli ng mananampalataya na personal na tumanggap ng mga banal na sakramento sa simbahan.

Ito ang panawagan ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo – chairman ng CBCP – Episcopal Office on Stewardship sa pagdalo sa mga banal na misa ng mananampalataya.

Aminado ang Obispo na bagamat patuloy pa ring masusubaybayan ang mga online masses ng iba’t ibang mga parokya ay marapat pa ding bumalik sa personal na pagsisimba sa mga Simbahan ang mananampalataya lalo na tuwing araw ng Linggo na itinuturing na araw ng Panginoon.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na mahalagang bigyan ng panahon ang muling pagbabalik sa mga Simbahan sa gitna ng mababang kaso ng COVID 19.

“Marami pa po ang sumusubaybay sa ating banal na misa na online pero sana dahan-dahan ay pumasok na tayo sa tunay na pagsisimba sa ating mga Simbahan kasi bumababa na rin ang mga kaso [ng COVID-19 infection] at nakakapunta na tayo sa mga malls, nakakapunta na tayo ngayon sa palengke, nakakalabas na tayo at sana po sa banal na misa at least tuwing Linggo sikapin po natin makabalik na din sa Simbahan upang matanggap hindi lamang ang Salita ng Diyos pero pati ang katawan ni Kristo sa ating pagku-komunyon.” mensahe ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Matatandaang kabilang sa mga ipinagbawal noong kasagsagan ng COVID-19 virus sa bansa ay mga pagtitipon sa mga Simbahan at iba pang mga religious activities tulad ng personal na pagdalo sa mga banal na misa at pagdaraos ng mga pista.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 8,825 total views

 8,825 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 52,433 total views

 52,433 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 137,005 total views

 137,005 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 153,599 total views

 153,599 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top