Sahod at trabaho, tutukan ng administrasyong Duterte huwag lang droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 958 total reads

Pinatutukan ng CBCP – Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People sa Administrasyong Duterte ang usapin ng pasahod at trabaho maliban pa sa kampanya nila kontra – iligal na droga.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, dahil sa masyadong natutukan ng pansin ang laban sa iligal na droga ay naisasantabi naman ang mahahalagang prayoridad na dapat rin namang tutukan ng kasalukuyang pamahalaan.

Hangad rin aniya ng mga Pilipino na tugunan ng ang isyu na nakabubuhay na sahod at paglikha pa ng maraming trabaho dahil bumaba na rin sa negative 21 percent ang bilang ng mga Pilipino na tumuturing sa kriminalidad bilang isang isyung pambansa batay na rin sa inilabas na pag – aaral ng Pulse Asia.

“Pero huwag nating kakalimutan yung iba pa tulad ng pagbibigay ng trabaho at kapag may trabaho ito ang magiging dahilan upang maging payapa, maayos ang buhay kabuhayan at ating pangangailangan. At dahil dito hindi na sila gumawa ng paraan na hindi ikakasama na kailangang tustusan ang kanilang pangangailangan sa kanilang pamumuhay. Tutukan ang laban sa droga pero huwag kakalimutan ang iba pang mga bagay na sabay – sabay, sama- sama, na tutukan ang pangangailangan at kahilingan ng ating kapwa Pilipino,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Nabatid na karagdagan pa sa isinagawang pag – aaral ng Pulse Asia mula ika – 25 hanggang ika – 1 ng Oktubre taong kasalukuyan na, 46 na porsyento ng mga sumagot ang nagsabing pagpapabuti sa pasahod ang pinakamahalagang pambansang isyu para sa kanila.

Habang sinundan naman ito ng paglikha ng mas maraming trabaho kung saan 38 porsyento ng mga respondents ang nais na tugunan agad ito ng gobyerno.

Gayunman, sinabi na rin ng kanyang Kabanalan Francisco na kinakailangan maging balanse ang pagtugon ng pamahalaan sa mga pangunahing pangangailangan ng publiko lalo na kabutihang pangkalahatan o “common good.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 30,478 total reads

 30,478 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 116,682 total reads

 116,682 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 163,421 total reads

 163,421 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 211,293 total reads

 211,293 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 313,775 total reads

 313,775 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 312,529 total reads

 312,529 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 418,808 total reads

 418,808 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top