Walang maiiwan sa Synod on Synodality

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 900 total reads

Walang dapat na maiwan o maisantabi sa panawagan ng Santo Papa Francisco na Synod on Synodality.

Ito ang ibinahagi ni Legazpi Bishop Joel Baylon – chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa isinasagawang talakayan ng Synod on Synodality ng Simbahang Katolika.

Sa online program ng kumisyon na may titulong “Narito Ako, Kaibigan Mo!” ay inihayag ng Obispo na kabilang ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) o mga bilanggo sa mga sektor na tinutukoy ng Kanyang Kabanalan Francisco na hindi dapat makalimutan.

“The word on synodality should be the cue dito, tinawag tayo ng Santo Papa to walk together in listening, in the spirit of listening to each other especially those on the peripheries,” pahayag ni Bishop Baylon.

Ibinahagi ng Obispo na may pambihirang pagkakataon ang mga naglilingkod sa prison ministry ng Simbahan upang makasama, mapaglingkuran at maipadama sa mga bilanggo na hindi sila naisasantabi sa lipunan sa kabila ng kanilang mga nagawang kasalanan.

Tiniyak ni Bishop Baylon na patuloy na pagsusumikapan ng prison ministry ng Simbahan na maisulong at maiba ang pananaw ng lipunan sa mga PDLs na inasantabi at binabalewala dahil sa mga nagawang pagkakamali sa buhay.

“We have a special grace to say na kasama natin sila [those on the peripheries] kasi ang patuloy nating adbokasiya ang paglilingkod sa mga PDLs who are among the most distant, nasa laylayan. Karamihan sa kanila itinuturing na nasa labas na ng lipunan kasi marumi, basura, kriminal and we say na hindi kapatid natin sila. So patuloy nating gagawin ito with the hope that somehow it will make a difference,” dagdag pa ni Bishop Baylon.

Una nang ibinahagi ni Bishop Baylon na bahagi ng panawagan ng Santo Papa Francisco para sa pagsasakatuparan ng Synod on Synodality ay ang pakikipagkwentuhan at pakikipaglakbay sa mga sektor na nakakalimutan na.

Ayon sa Obispo, bukod sa pagpapadama ng pagmamahal ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkalinga sa mga bilanggo ay mahalaga ring maipadama sa mga ito ang kanilang patuloy na pagiging bahagi ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 13,874 total reads

 13,874 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 95,470 total reads

 95,470 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 128,919 total reads

 128,919 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 164,218 total reads

 164,218 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 390,290 total reads

 390,290 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top