Kapistahan ni San Felipe Neri: Pagmimisyon sa lahat ng pagkakataon-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 797 total reads

Walang pinipiling lugar at panahon ang pagmimisyon bagkus ay dapat isinasagawa sa lahat ng pagkakataon.

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Felipe Neri na ginanap sa San Felipe Neri Parish sa Mandaluyong City.

Ayon kay Cardinal Advincula ang buhay ng santo na piniling manatili sa Roma na kaniyang pinagmulan upang paigtingin ang pagmimisyon ng simbahan.

“Itinuturo sa atin ni San Felipe na hindi kailangang maglakbay at lumayo para mag-misyon. Punahin lamang ang mga espasyo sa tahanan, simbahan, at lipunan na nangangailangan ng kaligtasan ni Kristo at maging pasimuno ng pagbabago,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula.

Sinabi pa ng arsobispo na ginamit ni San Felipe Neri ang karisma, galing at talino sa pagmimisyon tungkol sa buhay ni Kristo sa bawat taong nakakasalamuha sa iba’t ibang bahagi ng Roma.

Si San Felipe, ayon pa kay Cardinal Advincula ay hindi nanatili sa loob ng mga simbahan sa pagbabahagi ng turo ng Panginoon kundi pinalawak ang paglilingkod sa kapwa, lalo na sa mahihirap at may karamdaman sa pamayanan.

“Sa pamamagitan ng kanyang mga halimbawa at personal at puso sa pusong pakikipag-ugnay sa mga tao mula sa iba’t ibang antas ng lipunan muli niyang napag-alab ang kanilang pagmamahal kay Hesus at napalawig ang kanilang buhay pananampalataya,” ani ng cardinal.

Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang ika-158 kapistahan ng parokya kasabay ng pagdiriwang sa ika-400 anibersaryo ng pagkakatalagang santo ni San Felipe Neri.

Tema ng kapistahan ang ‘Apat na Raang Taong Kabanalan ni San Felipe Neri: Kalakbay sa Pagpapanibago, Pag-asa at Kagalakan’.

Kaisa rin ni Cardinal Advincula sa idinaos na misa si Fr. Mon Merino- kura paroko ng parokya at iba pang katuwang na pari.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, mayor-elect Benjamin Abalos at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan at mamamayang nasasakop ng parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 89,575 total reads

 89,575 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 123,077 total reads

 123,077 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 158,376 total reads

 158,376 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 384,646 total reads

 384,646 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 273,377 total reads

 273,377 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top