Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 251 total views

Homiliya Para sa Huwebes sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, ika 26 ng Mayo 2022, Jn 16:16-20

May nasabi si Pope JP2 noong binisita niya ang Australia. Isa ito sa naging pinakapaboritong quotable quotes sa lahat ng mga sinabi ng yumaong Santo Papa. Sabi niya:

“We do not pretend that life is all beauty. We are aware of darkness and sin, of poverty and pain. But we know Jesus has conquered sin and passed through his own pain to the glory of the Resurrection. And we live in the light of his Paschal Mystery – the mystery of his Death and Resurrection. ‘We are an Easter People and Alleluia is our song!’”

Ito ang pumasok sa isip ko tungkol sa ebanghelyo natin ngayon. Sa Juan 16:20, sinabi ni Hesus,

“Pakatandaan ninyo: iiyak kayo at tatangis, ngunit magagalak ang sanlibutan. Labis kayong malulungkot, subalit ang inyong kalungkutan ay mapapalitan ng kagalakan.”

Isa ito sa mga habilin ni Hesus sa mga alagad niya. Ipinaliwanag niya na ang pagluluksa at pagtangis ay bahagi ng pagiging alagad. Pero ang pagluluksa ng alagad ay laging panandalian lang. Isang pagluluksa na nauuwi sa mas higit pang kaligayahan.

Ito ang pinakamahalagang biyaya na hatid ng muling pagkabuhay: PAG-ASA. Ang alagad ng pagkabuhay ay hindi kailanman susuko sa kapighatian na parang iyon na ang katapusan ng lahat at wala nang kasunod. Sabi nga ni San Pablo nang sulatan niya sila sa gitna ng kanilang pagluluksa dahil namatayan sila ng mga mahal sa buhay.

“Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na, UPANG HINDI KAYO MAGDALAMHATING TULAD NG MGA TAONG WALANG PAGASA.” (1 Thess 4:13)

Ang alagad ay nagdadalamhati rin, pero “pagdadalamhating may pag-asa.” Ito ang pundasyon ng pagiging Kristiyano—kahit ano pang trahedya ang pwedeng mangyari, kahit maging masama o masaklap ang maging takbo ng mga pangyayari, laging bahagi lang ito ng isang prosesong may tinutungong higit na kabutihan.

Ang maging Kristiyano ay ang maniwala na sa kamatayan at pagkabuhay ni Kristo, napagtagumpayan na niya ang kasalanan at kasamaan. Kahit mayroon pa ring pagdurusa na dulot ng kasamaan, asahan mo na hahayaan lang ng Diyos na mangyari ito kung alam niyang may maidudulot ito na mas higit na kabutihan para sa atin sa bandang huli. Ang gabi ay laging susundan ng liwanag; ang tagtuyot ay laging susundan ng tag-ulan. Ang pagdurusa ay parang pagbubuntis, paghahanda para sa pagsilang.

Ito ba’y pakunswelo de bobo? Hindi. Ang tawag natin dito ay PAG-ASA. Na kapag madilim na sa labas nagsisindi tayo ng kandila sa loob para hindi tayo magpatalo sa dilim—ang maglamay, magpunyagi, maghintay nang buong tiyaga para sa pagsilang ng isang bagong bukas. Parang mas magandang pakinggan sa Tagalog ang sinabi ni Papa Juan Pablo nang dalawin niya ang Australia noong 1986:

“Hindi tayo nagkukunwari na ang buhay ay purong kagandahan. Batid nating may kadiliman at kasalanan, may kahirapan at pagdurusa. Ngunit alam natin na napagtagumpayan na ni Hesus ang kasalanan at nalampasan na niya ang sariling pagdurusa tungo sa ligaya ng pagkabuhay. Nabubuhay tayo sa liwanag ng Misteryong ito ng Paskwa—misteryo ng kamatayan at pagkabuhay. TAYO AY MGA ALAGAD NG PAGKABUHAY AT ALELUYA ANG AWIT NATIN.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 3,557 total views

 3,557 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 16,697 total views

 16,697 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 22,670 total views

 22,670 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 28,425 total views

 28,425 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 35,687 total views

 35,687 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 846 total views

 846 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 847 total views

 847 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,601 total views

 3,601 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,016 total views

 8,016 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,342 total views

 3,342 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,865 total views

 3,865 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,364 total views

 5,364 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,208 total views

 6,208 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,463 total views

 4,463 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,676 total views

 8,676 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,908 total views

 7,908 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,118 total views

 12,118 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,566 total views

 5,566 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,570 total views

 5,570 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,570 total views

 5,570 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top