Mamamayan, hinimok ni Cardinal Advincula na pakinggan ang kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 966 total reads

Hinimok ng arsobispo ng Maynila ang mamamayan na paigtingin ang pakikinig sa kapwa upang malaman ang katotohanan.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa pagdiriwang ng 56th World Communications Day.

Ikinababahala ng Kardinal ang mga karanasang dulot ng pandemya at ang krisis na dulot ng fake news na nakukuha sa social media.

“Kailangan nating maging matiyaga sa pakikinig dahil sugatan ang mundo dulot ng mahabang pandemya, mahalaga ang pakikinig dahil tila may krisis ngayon kung ano ang paniniwalaan; Hindi na lamang pandemic, may infodemic din,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng arsobispo na bukod sa tainga ay mas mahalagang makinig gamit ang puso upang higit na mauunawaan ang kalagayan ng kapwa.

Batid ni Cardinal Advincula ang iba’t ibang pangyayari sa lipunan na nararapat mapakinggan at mapagtuunan ng pansin kung saan hinamon ang bawat isa na tuklasin at ipalaganap ang mabuting balitang hatid ng Panginoon.

“Mahalagang pangangailangan ng tao ang mapakinggan – “the boundless desire to be heard.” Nararapat na kilalanin ito lalo na sa mga naatasan sa misyon ng paghuhubog at pakikilakbay – mga magulang, guro, pastol, pastoral workers, communication professionals at mga lingkod Bayan, ” ani ng cardinal.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang “Listening with the Ear of the Heart” na tugma sa motto ng cardinal na ‘Audiam’ na naging batayan din sa isinagawang synodality ng Archdiocese of Manila.

Tinukoy ng opisyal na manhid at marahas ang sinumang hindi marunong makinig sa kapwa.

Ipinaalala ni Cardinal Advincula ang hamon ng Panginoon sa bawat isa na maging mapagpakumbabang tagapakinig upang maibahagi sa pamayanan ang Kanyang salita.

Hinimok nito ang bawat isa na suriin ang mga napakikinggan at itaguyod ang katotohanan sa lipunan.

“Kailangang suriin ang paraan ng pakikinig natin. Kay raming tinig na humihiyaw sa ating paligid. Tiyakin natin na ang tinig ng katotohanan, katuwiran at pag-ibig ang mamayani,” giit ni Cardinal Advincula.

Ibinahagi rin ni Cardinal Advincula ang mensahe ni Pope Francis na nararapat matutuhan ng bawat isa ang mabuting tagapakinig upang maging propetang tagapagpadaloy ng katotohanan.

“Hilingin natin ang biyaya na matutunan ang mapagpakumbabang pakikinig ng Diyos upang mahubog din tayo sa kanyang pamamaraan. Kailangan makinig muna upang maging mga propeta na makapangungusap sa ngalan ng Diyos. Kay ganda ng pamamaraan ng synodality na maririnig ang tinig ng lahat bago pa man magpasya at kumilos. Nangungusap ang Espiritu Santo sa Salita ng Diyos at sa kuwentong-buhay ng bawat kabahagi ng simbahan,” saad pa ng cardinal.

Ipagdiriwang ng simbahan ang World Communication Sunday ngayong May 29 kasabay ng Kapistahan ng Pag-akyat ni Hesus sa langit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 21,914 total reads

 21,914 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 106,296 total reads

 106,296 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 200,627 total reads

 200,627 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 262,313 total reads

 262,313 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 306,970 total reads

 306,970 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top