Isabuhay ang katangian ni St. Titus Brandsma, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 970 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na pagnilayan ang naging buhay ni Saint Titus Brandsma tungo sa pagiging banal at pagpapalaganap ng katotohanan.

Ito ang pagninilay ni Cardinal Advincula sa ginanap na thanksgiving mass para sa Canonization ni Saint Titus Brandsma sa Immaculate Conception Cathedral o Cubao Cathedral.

Ayon sa kardinal, si St. Titus ay buong puso at tapang na ipinaglaban ang kalayaan ng Catholic Press laban sa propaganda ng National Socialist Party o mga Nazi noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig dahilan upang paslangin noong July 26, 1942.

“St. Titus held that the media should be used only to promote the truth who is Jesus…The press is the power of the word against the violence of arms. It is the power of our fight for the truth,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ayon kay Cardinal Advincula, ang buhay ni St. Titus ay malaki ang pagkakatulad sa kasalukuyang panahon lalo’t laganap na ang fake news hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Iginiit ng kardinal na si St. Titus ay hinihikayat ang bawat isa na gamitin ang social media sa pagpapahayag at pagtatanggol sa katotohanan.

“If there are forces that use social media to deceive and spread lies, let us combat them by flooding it with the truth of God’s word. Saint Titus teaches us that when the truth is at stake, remaining apathetic and silent is a sin,” ayon sa kardinal.

Samantala, kasama rin ni Cardinal Advincula sa banal na pagdiriwang si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown at ang mga pari at relihiyoso mula sa iba’t ibang kongregasyon at diyosesis.

Dumalo rin sa thanksgiving mass ang mga kinatawan mula sa Embassy of the Kingdom of the Netherlands na sina Chargé d’affaires Monique van Daalen at councilor and deputy head of mission Pieter Terpstra.

Si St. Titus Brandsma na isang Carmelong pari ay kabilang sa sampung itinalagang santo ni Pope Francis sa St. Peter’s Square sa Vatican noong May 15, 2022.

Tinagurian naman si St. Titus bilang ‘Defender of Truth’ at ‘Martyr of Press Freedom’ at dito rin nakapangalan ang Carmelites Province of Saint Titus Brandsma of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 21,443 total reads

 21,443 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 105,853 total reads

 105,853 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 200,184 total reads

 200,184 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 261,870 total reads

 261,870 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 306,544 total reads

 306,544 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 210,133 total reads

 210,133 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top