SANLAKBAY, nakahandang makipagpulong sa bagong administrasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 868 total reads

Bukas sa pakikipag-ugnayan ang drug rehabilitation program ng Archdiocese of Manila na Sanlakbay sa bagong administrasyon at mga bagong halal na alkalde sa Metro Manila para maipagpatuloy ang adhikain na mabago ang buhay ng mga drug dependents.

Ito ang tiniyak ni Rev. Fr. Roberto Dela Cruz, Program head ng Sanlakbay na halos 6 na taong nang tumutulong sa mga nalulong at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na gustong magbago.

Ayon kay Fr. Dela Cruz, sa kabila ng epekto ng pandemya ay patuloy na naging matagumpay ang kanilang adhikain na baguhin ang buhay ng mga drug dependents sa spiritual at makataong pamamaraan.

Sinabi ng Pari na nakahanda silang makipagpulong sa bagong administrasyon upang maipagpatuloy ang mga nasimulang programa ng Simbahan Katolika partikular na sa mga nasasakupan ng Arkidiyosesis ng Maynila.

“Ang mahalaga na meron tayong kooperasyon at we should work together. So far wala pa kaming meeting sa bagong administrasyon like example sa mga mayors ng bawat city siyempre yun hawak natin na Manila, Mandaluyong, Pasay, San Juan at Makati, hinihintay pa namin makaupo yun mga bagong mayors natin then after they settle down syempre yung mga anti-drug abuse council magkakaroon ng mga series ng meetings ngayon,” pahayag ni Fr. Dela Cruz sa panayam ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas.

Aminado si Fr. Dela Cruz na magsisilbing panibagong hamon sa kanila ang gagawing pakikipag-ugnayan sa pamahalaan.

Siniguro ni Fr. Dela Cruz na bukas ang tanggapan ng Sanlakbay at ng Caritas Manila para sa mga nagnanais na sumailalim sa kanilang programa at makatulong sa pagbabago.

Magugunitang inulunsad ng Archdiocese of Manila ang programang Sanlakbay sa pagbabagong buhay bilang tugon ng Simbahang Katolika sa suliranin sa mga gumagamit ng ilegal na droga.

Sa datos ng Commission on Human Rights noong taong 2018 tinatayang umabot sa 27 libong indibidwal na ang nasawi dahil sa pinaigting na kampanya ng Administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 19,444 total reads

 19,444 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 100,234 total reads

 100,234 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 194,460 total reads

 194,460 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 254,949 total reads

 254,949 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 267,824 total reads

 267,824 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 99,810 total reads

 99,810 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top