Mga simbahan sa Archdiocese of Tuguegarao, magsisilbing evacuation centers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 462 total reads

Bukas ang mga Simbahan ng Archdiocese of Tuguegarao para magsilbing evacuation centers ng mga magsisilikas na residente dahil sa posibleng epekto ng bagyong Lawin.

Ito ang inihayag ni Father Augustus Calubaquib, Social Action Director ng nasabing Arkidiyosesis matapos na makipag-ugnayan sa kanila ang provincial government ng Cagayan upang magamit ang mga parokya bilang evacuation center.

Sinabi ni Father Calubaquib na bukas ang simbahan sa mga parokya para sa mga tao ngunit kailangan ding isaalang-alang ang kaligtasan at katatagan ng establisimento mula sa lakas ng hagupit ng bagyo.

“Medyo maulan na po dito sa kinaroroonan namin, naghahanda na po ang provincial government at nagpaalam sila na gawing evacuation center ang mga Simbahan,” mensahe ni Fr. Calubaquib sa Damay Kapanalig.

Naghahanda na rin ang Diocese of Laoag sa Ilocos Norte sa posibleng pagdaan sa kanila ng mata ng bagyong Lawin.

Sa mensahe ng Social Action Center coordinator ng Diocese of Laoag na si Frankie Bitagon, sinabi nitong naka-antabay na sila bago pa man dumaan ang bagyong Karen ngunit kailangan mas paigtingin ito dahil sa inaasahang mas malakas na epekto ng bagyong Lawin.

“Yesterday in the priest assembly they were [Priests] reminded to be prepared for Lawin in their parishes.”pahayag ni Bitagon sa Radio Veritas.

Naunang umaapela ng dasal ang mga Diyosesis sa Hilagang Luzon dahil sa inaasahang paghagupit ni Bagyong Lawin.

Magugunitang ang Pilipinas ay nakakaranas ng hindi bababa sa 20 bagyo kada taon at ang bagyong Lawin ang maituturing na isa sa pinakalamakas na pumasok sa Philippine Area of ‘Responsiblity ngayong taong 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Perwisyo sa NLEx

 22,559 total reads

 22,559 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 59,060 total reads

 59,060 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 279,681 total reads

 279,681 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 314,349 total reads

 314,349 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 328,870 total reads

 328,870 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 103,708 total reads

 103,708 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top