Teknolohiya at Pagmamahal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 607 total reads

Isa sa mga mahalagang aspeto ng ating pagkatao ang tahasang naapektuhan ng teknolohiya. Ito ay ang ating kakayahang makaramdam para sa iba, ang makiramay sa ating kapwa.

May mga pag-aaral na nagpapakita na dahil sa ating pagkatutok sa ating gadgets, hindi na tayo masyado naapektuhan ng mga masasakit na sitwasyon o pangyayari sa ating paligid. Nagiging mababaw na ang ating pang-unawa at pakiramdam sa ating buhay o sa buhay ng ating kapwa.  

Ayon nga sa libro na Alone Together: Why We Expect More from Technology and Less from Each Other, binabago ng teknolohiya ang ating pakikipagkapwa. Konektado man tayo ng teknolohiya, pero kulang naman sa lalim ang ating pakikisalamuha. Nag-me message man tayo sa isa’t isa, ngunit ang ating atensyon ay hati. Karaniwan, hindi lang iisa ang ating sabay na kausap online hindi ba, at habang tayo ay nagme-message, sinasabay din natin ang pagbabasa sa trabaho, o pag-e-email. Sabay sa ating buhay teknolohiya, nasa background din natin ang ating tunay ba buhay. May mga tao din sa ating paligid na kailangan din ng ating atensyon. Kaya nga hindi kataka-taka kung bakit kahit naka-upo ang tayo maghapon, pero pagod na pagod tayo araw araw. Pagod ang ating isip, pagod din ang ating puso.

Ang problemang ito, kapanalig, ay kailangan nating harapin. Ang ating bayan ang isa sa nangunguna pagdating sa gadget at social media use sa buong mundo. Tinatayang mahigit sampung oras ang ginugugol ng mga Filipinong may edad 16 hanggang 64 years old kada araw
sa internet. Apat na oras dito ginugugol ng marami sa social media. Malinaw na babad tayo dito, at maaaring ito na ang isa sa pangunahing means o paraan natin para makipag-kapwa.

Kapanalig, hindi masama ang social media, kaya lamang, hindi nito kailan man mapapalitan ang tunay at personal na pakikipag-kapwa. Ngayon  marami tayong nakikita na nagbabahagi ng kanilang mga dinaranas na problema online, at  para sa nagbabahagi nito, inaasahan na may tunay na makikiramay sa kanila. Marami rin sa mga netizens naghahanap ng kaibigan o ‘ka-ibigan’ online. Marami ang bigo makahanap ng karamay o kasama. Marami ang naalipusta pa o nabu-bully online dahil sa pagbabahagi ng kanilang nararamdaman.

Dahil sa babad natin sa internet at social media, bulag na rin tayo sa social ills sa ating paligid. Hindi na tayo naantig sa maralita o pulubi, numero na lamang ang tingin natin sa mga naapektuhan ng sakuna, game o laro na lamang ang tingin natin sa giyera.

Mapapatunayan at mas mapapalalim pa natin ating koneksyon kung tayo ay magkakasama at buo ang atensyon sa isa’t isa. Ang internet ngayon, malaki man ang tulong sa atin, ay maari ring makapurol ng ating kakayahang tunay na makiramdam at magmahal sa isa’t isa. Kaya’t nararapat kapanalig, na ating suriin at pagnilayan ang ating pag-gamit ng teknolohiya. Ang ating Pope Francis ay minsang nanawagan ng reporma sa ating pag-gamit sa teknolohiya. Anya “it is clear that technology can be a tool for good, and truly it is a tool for good, which permits dialogues such as this one, and many other things, but it can never replace contact between us. It can never substitute for a community in which we can be rooted and which ensures that our life may become fruitful.”

Sumainyo ang Katotohanan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 26,885 total reads

 26,885 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 107,056 total reads

 107,056 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 201,282 total reads

 201,282 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 261,771 total reads

 261,771 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 274,290 total reads

 274,290 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

1,2,3 kanya-kanya na!

 26,886 total reads

 26,886 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 107,057 total reads

 107,057 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 201,283 total reads

 201,283 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 261,772 total reads

 261,772 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »
Scroll to Top