Simbahan sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Lawin, nakaalerto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 398 total views

Abala na ang mga diyosesis sa mga lalawigan na posibleng tamaan ng bagyong Lawin at nakahanda na sa posibleng maging epekto ng nasabing kalamidad.

Sa Diocese ng Ilagan, Isabela, naka-monitor na ang Social Action center ng diocese sa mga coastal areas at mga munisipalidad na nasa hilagang bahagi ng lalawigan.

Sinabi ni Fr. Carlito Sarte, Social Action Director ng nasabing diyosesis na naka-alerto ang kanilang disaster response unit at patuloy din na nagdarasal para sa ikaliligtas ng lahat.

“We don’t have prepositioning of relief goods but I just put on standby our DSAC Disaster Response team and volunteers,”mensahe ni Fr. Sarte sa Damay kapanalig.

Sa Apostolic Vicariate of Tabuk sa Kalinga-Apayao, sinabi ni social Action Director Rev. Fr. Roman Macaiba na naiparating na nila sa lahat ng mga kaparian at parokya ang mga nararapat na paghahanda para sa bagyong Lawin.

Ganito rin ang ginawa ng Diocese of Bayombong sa Nueva Viscaya kung saan tiniyak ng Social Action Director nito na si Fr. Enrique Tiongson na naka-alerto ang Simbahan sa ano mang tulong na kanilang magagawa.

Nakataas na ang Storm Signal number 5 sa lalawigan ng Isabela at Cagayan dahil sa inaasahang pagtama ng Super Typhoon Lawin.

Ayon sa huling update ng philippine atmospheric geophysical and astronomical services administration o pagasa, umabot na sa 225 kilometro kada oras malapit sa gitna ang dalang hangin ng bagyong lawin kasabay ng pagbugso na aabot sa 315 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 24 kada oras at inaasahang tatama sa kalupaan ngayong bago maghatinggabi o mamayang madaling araw. (Rowel Garcia)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 63,613 total views

 63,613 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 86,765 total views

 86,765 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 156,879 total views

 156,879 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 231,493 total views

 231,493 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 307,008 total views

 307,008 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 91,804 total views

 91,804 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top