Conscience formation ng mamamayan, paiigtingin ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 795 total reads

Tiniyak ni Malolos Bishop Dennis Villarojo na mananatiling gabay ang Simbahan sa paghuhubog ng kamalayan ng mamamayan.

Ito ang mensahe ng obispo sa ginanap na ‘Gugma sa Kamatuoran’ online program ng Cebu Caritas kung saan paksa ang katatapos na national and local elections.

Sinabi ni Bishop Villarojo na paiigtingin ng simbahan ang paggabay sa kawan ng Panginoon lalo na’t nakita sa nakalipas na halalan ang labis na epekto ng disinformation sa kamalayan ng tao.

“It is a remarkable election affected by massive disinformation; the role of the Church will have to be conscience formation,” pahayag ni Bishop Villarojo.

Binigyang diin ng obispo ang kahalagahan ng pagtutulungan sa paghahayag ng katotohanan sa pamayanan upang maiwasang mabiktima ng fake news.

Naniniwala si Bishop Villarojo na dapat palakasin ng simbahan ang munting pamayanan o Basic Ecclesial Communities na magiging katuwang sa misyon ng simbahan sa lipunan.

“Let us go to the grassroots and revitalize the Basic Ecclesial Communities (BEC), the triumph of the church comes when people are converted to the truth,” ani Bishop Villarojo.

Una nang nanindigan ang simbahang katolika na labanan ang fake news lalo’t sa pag-aaral ng Data Reportal sa unang bahagi ng 2022 ay mahigit 90-milyong Pilipino ang aktibo sa iba’t ibang social media platform na pinakapangunahing ginamit ng mga kandidato sa pangagampanya bago ang halalan noong Mayo 9.

Bagamat kinilala ng Simbahan ang pinili ng mayorya ng mga Pilipino, tiniyak naman nito ang principled cooperation sa administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Read: https://www.veritasph.net/principled-cooperation-sa-bagong-administrasyon-suportado-ng-slp/

Umaasa rin si Baguio Bishop Victor Bendico na isulong ng bagong administrasyon ang tunay na pagkakaisa sa bansa alinsunod sa bunga ng Espiritu Santo.

Read: https://www.veritasph.net/the-essence-of-pentecost-is-unity-paalala-ng-obispo-kay-bbm-at-mamamayang-pilipino/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 41,798 total reads

 41,798 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 139,252 total reads

 139,252 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 183,521 total reads

 183,521 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 206,630 total reads

 206,630 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 279,919 total reads

 279,919 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top