Civic engagement, ituro sa mga estudyante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 672 total reads

Gabayan ang mga kabataan upang higit na mapalalim ang kamalayan sa kahalagahan ng demokrasya sa lipunan.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco sa naganap na international democracy conference sa Vatican na may titulong “Educating for Democracy in a Fragmented World”.

Dinaluhan ang pagtitipon ng mga propesor mula sa iba’t-ibang unibersidad sa Pilipinas kabilang na ang Pontifical and Royal University of Santo Tomas sa katauhan ni UST Research Center for Social Sciences and Education researcher Prof. Allan B. de Guzman, Ph.D.

“Feed young people’s thirst for democracy, teach young people that the common good is formed with love, and educate young people to live authority as service.” mensahe ni Pope Francis

Sa naganap na pagtitipon, ibinahagi ni Prof. De Guzman ang isang three team studies na isinagawa ng UST Local Antenna Team na binibigyang diin ang mahalagang papel ng mga guro sa pagsusulong ng civic engagement o aktibong pakikibahagi ng mga kabataan sa mga usaping panlipunan.

Nasasaad sa pag-aaral ang kahalagahan ng paggabay ng mga guro upang mahubog ang kamalayang panlipunan ng mga kabataan hindi lamang sa talakayan sa mga silid aralan kundi maging sa aktibong pakikisangkot sa mga nagaganap sa lipunan.

“Social studies teachers’ ability to integrate social problems and issues and civic engagement in students’ learning”; “Teachers’ knowledge of 21st-century democracy holds the key for their delivery of promoting civic engagement in classroom settings”; and “Teachers’ abilities to exercise practical-evaluative teaching methods and to contain their risk-taking behavior may help enrich school curricula’s integration of civic engagement by students.” ulat ni Prof. de Guzman

Bukod kay Prof. De Guzman, kabilang din sa mga nakibahagi sa international democracy conference sa Vatican bilang Philippine Local Antenna Coordinator sina RCSSED Director Prof. Belinda De Castro, Ph.D. at Assoc. Prof. Joel Adamos, Ed.D.

Ibinahagi ni Prof. De Guzman sa isang panayam sa Vatican News na nararapat hubugin ng mga guro ang mga kabataan hindi lamang sa pagiging eksperto sa larangan ng agham kundi sa pagbibigay solusyon sa mga problema at suliranin sa lipunan.

“We believe that schooling will lead to democracy, because we still believe in the power of education… We are not only looking at individual benefits of education, but we would like to see that the learners we are producing can respond to the problems and concerns of Philippine society,” ayon kay Prof. De Guzman.

Inorganisa ng Gravissimum Educationis Pontifical Foundation ang tatlong araw na international democracy conference sa Vatican na naganap sa Libera Università Maria Santissima Assunta (LUMSA) sa Roma noong ika-17 hanggang ika-19 ng Marso, 2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 10,572 total reads

 10,572 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 91,920 total reads

 91,920 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 186,145 total reads

 186,145 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 246,635 total reads

 246,635 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 260,039 total reads

 260,039 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,488 total reads

 17,488 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top