Sa pagdiriwang ng 124th Independence Day: Isamang kilalanin ang Covid-19 frontliners

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,187 total reads

Tuwinang kilalanin ang kasaysayan at ang mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa.

Ito ang mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos kaugnay sa paggunita ng bansa sa 124th Independence Day bukas June 12.

Ayon kay Bishop Santos-Central Luzon Regional Representative Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at vice chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, hindi dapat isantabi ng kasalukuyan at ng susunod pang henerasyon ang mga nagawa at sakripisyo ng mga bayani ng bansa na ipinaglaban ang kalayaan ng Pilipinas.

“We have to be grateful for those who sacrificed their lives and served our country. Let us not forget their heroism, learn from them and live up to what they fought for,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Ruperto Santos sa Radio Veritas.

Tinukoy din ni Bishop Santos ang patuloy na banta ng COVID-19 pandemic na kabilang sa mga pagsubok at banta sa kalayaan na dapat harapin ng bawat isa sa lipunan.

Paliwanag ng Obispo, kabilang sa mga itinuturing na modern heroes na sa naturang banta ng pandemya ay ang mga medical frontliners, essential service providers, Overseas Filipino Workers at seafarers na sa kabila ng panganib na dulot ng sakit ay patuloy na naglingkod para sa kapakanan ng nakararami.

Giit ni Bishop Santos, dapat gawing huwaran ng bawat isa ang sakripisyo, at pagsusumikap ng mga bayani at modern heroes ng bansa upang sama-samang malagpasan ang mga banta sa kalayaan sa lipunan kabilang na ang kahirapan, malawakang krisis na dulot ng pandemya at ang paglaganap ng fake news.

“Our new enemy is Covid-19. We can overcome this as we are doing by being responsible, compassionate, and obedient. We have seen modern heroes-medical front liners, essential service providers, our OFWs, and seafarers-let we then follow their examples and always collaborate with them. Reliving the ultimate sacrifices and selfless services of our heroes, we can rise up from poverty, surpass this pandemic and free ourselves from fake news and vices,” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Tema ng 124th Independence Day ang “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas na naglalayong bigyang diin ang sama-samang pag-ahon ng bawat Pilipino mula sa iba’t ibang hamong kinaharap ng bansa noong mga nakalipas na taon kabilang na ang malawakang krisis na dulot ng pandemya.

Ang pagdiriwang ay pinasimulan ni dating Pangulong Diosdado Macapagal sa bisa ng batas na nilagdaan noong August 4, 1964.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 249,634 total reads

 249,634 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 281,347 total reads

 281,347 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 383,173 total reads

 383,173 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 423,734 total reads

 423,734 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 433,761 total reads

 433,761 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top