770 total views
Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nagdulot nang pagbabago sa kabuuan ng mga munting pamayanan sa lipunan hindi lamang para sa mga kristiyano kundi maging sa iba ang pananampalataya.
Ayon kay Pagadian Bishop Ronald Lunas, pangulo ng CBCP Episcopal Committee on Basic Ecclesial Communities, pinagtitibay ng munting pamayanan ang samahan ng mamamayan bilang iisang kawan ng Panginoon.
“We see that BEC’s strengthen our relationship not only with our fellow Catholics but even with other Christians and those from other faith communities and religions as we reach out to them in matters that concern our humanity. BECs do not only aim at renewing the Church “within” but also transforming the ‘outside’ society,” bahagi ng pahayag ni Bishop Lunas.
Makahulugan din ang paggunita ng B-E-C Sunday, bukas June 12 lalo’t kasabay ding ipagdiriwang ang Holy Trinity Sunday, lalo’t ang simbahan ang buhay na sagisag ng Banal na Santatlo na patuloy nakikipamuhay kaisa ng misyon.
“In the BECs is the experience both of salvation and liberation- two moments in a single process. Afterall, integral evangelization in the BECs aims at salvation and liberation, embracing all dimensions: personal, social, political, economic, cultural, ecological, and religious,” ani ng obispo.
Tema ng BEC Sunday ngayong taon ang ‘Re-rooting BECs to Basic Human Communities for Synodality’ alinsunod na rin sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na Synod on Synodality na isang paghahanda sa gaganaping Synod of Bishops sa October 2023 sa Roma.
Taong 1991 sa 2nd Plenary Council of the Philippines (PCP-II) inatasan ang bawat diyosesis sa bansa na ipalaganap ang BEC sa bawat parokyang nasasakupan.