Sa pagdiriwang ng 124th Independence Day: Isamang kilalanin ang Covid-19 frontliners

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,049 total views

Tuwinang kilalanin ang kasaysayan at ang mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa.

Ito ang mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos kaugnay sa paggunita ng bansa sa 124th Independence Day bukas June 12.

Ayon kay Bishop Santos-Central Luzon Regional Representative Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at vice chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, hindi dapat isantabi ng kasalukuyan at ng susunod pang henerasyon ang mga nagawa at sakripisyo ng mga bayani ng bansa na ipinaglaban ang kalayaan ng Pilipinas.

“We have to be grateful for those who sacrificed their lives and served our country. Let us not forget their heroism, learn from them and live up to what they fought for,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Ruperto Santos sa Radio Veritas.

Tinukoy din ni Bishop Santos ang patuloy na banta ng COVID-19 pandemic na kabilang sa mga pagsubok at banta sa kalayaan na dapat harapin ng bawat isa sa lipunan.

Paliwanag ng Obispo, kabilang sa mga itinuturing na modern heroes na sa naturang banta ng pandemya ay ang mga medical frontliners, essential service providers, Overseas Filipino Workers at seafarers na sa kabila ng panganib na dulot ng sakit ay patuloy na naglingkod para sa kapakanan ng nakararami.

Giit ni Bishop Santos, dapat gawing huwaran ng bawat isa ang sakripisyo, at pagsusumikap ng mga bayani at modern heroes ng bansa upang sama-samang malagpasan ang mga banta sa kalayaan sa lipunan kabilang na ang kahirapan, malawakang krisis na dulot ng pandemya at ang paglaganap ng fake news.

“Our new enemy is Covid-19. We can overcome this as we are doing by being responsible, compassionate, and obedient. We have seen modern heroes-medical front liners, essential service providers, our OFWs, and seafarers-let we then follow their examples and always collaborate with them. Reliving the ultimate sacrifices and selfless services of our heroes, we can rise up from poverty, surpass this pandemic and free ourselves from fake news and vices,” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Tema ng 124th Independence Day ang “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas na naglalayong bigyang diin ang sama-samang pag-ahon ng bawat Pilipino mula sa iba’t ibang hamong kinaharap ng bansa noong mga nakalipas na taon kabilang na ang malawakang krisis na dulot ng pandemya.

Ang pagdiriwang ay pinasimulan ni dating Pangulong Diosdado Macapagal sa bisa ng batas na nilagdaan noong August 4, 1964.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 29,372 total views

 29,372 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 59,595 total views

 59,595 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 86,246 total views

 86,246 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 181,219 total views

 181,219 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 200,480 total views

 200,480 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top