Maayos at payapang 2022 national at local election, pinuri ng British embassy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 648 total reads

Pinuri ng British Embassy Manila ang maayos at mapayapang pagdaraos ng 2022 National and Local Elections sa bansa.

Sa pamamagitan ng isang facebook post ay ibinahagi ng British Embassy Manila ang naging obserbasyon nito sa nakalipas na halalan sa bansa.

Ayon sa British Embassy Manila, bilang COMELEC-accredited foreign election observer ay nasaksihan nito ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang matiyak ang pagkakaroon ng maayos at mapayapang halalan.

Bukod sa pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan ay personal ding binisita ng mga kinatawan ng British Embassy Manila ang Random Manual Audit na isinasagawa ng Commission on Election (COMELEC) katuwang ang Civil Society Coalition na binubuo ng iba’t ibang grupo ng mga election watchdog.

Binisita din ng mga kinatawan ng British Embassy Manila ang ginawang unofficial parallel count at archiving ng mga Election Returns ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Sinabi ng British Embassy Manila na mahalaga ang ginagawang RMA, unofficial parallel count at archiving ng mga election returns upang matiyak ang katapatan ng nakalipas na halalan.

“As a COMELEC-accredited foreign election observer, the British Embassy Manila has been monitoring the 2022 Philippines elections. Our team was delighted to visit the ongoing Random Manual Audit undertaken by the Civil Society Coalition, as well as the archiving of precinct Election Returns by the Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) — both of which are crucial in ensuring the integrity of the election process. We commend COMELEC, their civil society partners, and Filipinos for their key roles in upholding Philippine democratic values,” mensahe ng British Embassy Manila.

Bukod sa COMELEC at sa iba’t ibang mga grupo at organisasyon na nakibahagi sa pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan, pinuri at kinilala ng British Embassy Manila ang bawat botanteng Pilipino na aktibong nakibahagi sa eleksyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 37,187 total reads

 37,187 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 68,458 total reads

 68,458 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 146,044 total reads

 146,044 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,272 total reads

 240,272 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 299,367 total reads

 299,367 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 22,789 total reads

 22,789 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top