Manindigan sa katotohanan at labanan ang fake news, apela ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 703 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na tularan si San Juan Bautista na nanindigan sa katotohanan.

Ito ang pagninilay ng cardinal sa misang ginanap sa St. John the Baptist Parish o Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo Manila.

Ayon kay Cardinal Advincula, bilang kristiyano ay bahagi ng misyon ang ipahayag ang katotohanan sa lipunan upang mapawi ang kasamaang hatid ng kasinungalingan.

“Tularan natin ang tapang ni San Juan Bautista na bunga ng pagtitiwala sa Diyos; maging matapang tayong tagapagpahayag ng katotohanan,” ayon sa pahayag ni Cardinal Advincula.

Napapanahon din ang pagdiriwang lalo’t mariing nilalabanan ng simbahan ang laganap na fake news at disinformation partikular sa social media.

Tinuran ni Cardinal Advincula ang pagpatay kay Juan Bautista dahil sa hindi pagkubli ng katotohanan at iginiit na ang tunay na matapang ay natatakot na mapalayo at hindi matupad ang kalooban ng Diyos.

Sa misang pinangunahan din ni Cardinal Advincula sa Saint John the Baptist Parish, San Juan City ay hinimok nito ang mamamayan na huwag mahiyang maging mabuting tao at gumawa ng kabutihan sa kapwa.

Umaasa ang Kardinal na maging daluyan ng pagpapala ng Panginoon ang bawat sa tungo sa kapwa.

“Tulad ni San Juan Bautista nawa’y maging daan tayo ng pagpapala sa kapwa at maging mapagparaya; ihayag ang mabuting salita, ipakita ang pagdamay at malasakit sa kapwa,” giit ni Cardinal Advincula.

Ang panawagan ng arsobispo ay nababatay sa adbokasiya ng buong simbahan na labanan ang pagkalat ng maling impormasyon lalo na sa internet kung saan 76-milyong Pilipino ang aktibo habang 92 milyon naman sa social media.

Apela ni Cardinal Advincula sa mananampalataya na higit isulong ang kabutihan tungo sa mas maunlad at nagbubuklod na pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,412 total reads

 86,412 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,295 total reads

 120,295 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,594 total reads

 155,594 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,864 total reads

 381,864 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,707 total reads

 270,707 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top