Maayos at payapang 2022 national at local election, pinuri ng British embassy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 620 total views

Pinuri ng British Embassy Manila ang maayos at mapayapang pagdaraos ng 2022 National and Local Elections sa bansa.

Sa pamamagitan ng isang facebook post ay ibinahagi ng British Embassy Manila ang naging obserbasyon nito sa nakalipas na halalan sa bansa.

Ayon sa British Embassy Manila, bilang COMELEC-accredited foreign election observer ay nasaksihan nito ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang matiyak ang pagkakaroon ng maayos at mapayapang halalan.

Bukod sa pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan ay personal ding binisita ng mga kinatawan ng British Embassy Manila ang Random Manual Audit na isinasagawa ng Commission on Election (COMELEC) katuwang ang Civil Society Coalition na binubuo ng iba’t ibang grupo ng mga election watchdog.

Binisita din ng mga kinatawan ng British Embassy Manila ang ginawang unofficial parallel count at archiving ng mga Election Returns ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Sinabi ng British Embassy Manila na mahalaga ang ginagawang RMA, unofficial parallel count at archiving ng mga election returns upang matiyak ang katapatan ng nakalipas na halalan.

“As a COMELEC-accredited foreign election observer, the British Embassy Manila has been monitoring the 2022 Philippines elections. Our team was delighted to visit the ongoing Random Manual Audit undertaken by the Civil Society Coalition, as well as the archiving of precinct Election Returns by the Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) — both of which are crucial in ensuring the integrity of the election process. We commend COMELEC, their civil society partners, and Filipinos for their key roles in upholding Philippine democratic values,” mensahe ng British Embassy Manila.

Bukod sa COMELEC at sa iba’t ibang mga grupo at organisasyon na nakibahagi sa pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan, pinuri at kinilala ng British Embassy Manila ang bawat botanteng Pilipino na aktibong nakibahagi sa eleksyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 23,651 total views

 23,651 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 53,874 total views

 53,874 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 80,525 total views

 80,525 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 175,498 total views

 175,498 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 195,150 total views

 195,150 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top