Zero budget sa APECO, hiling ng Task Force anti-APECO

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 288 total views

Mahigit sa 100 mga katutubo, magsasaka at mangingisda ang nasa Senado ngayon upang ipahayag ang kanilang pagtutol na ibigay ang hinihinging pondo ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO) na nasa higit P58 milyon ngayong taon.

Ayon kay Fr. Jofran Talaban, isa sa convenors ng Task Force Anti-Apeco, dapat ding imbestigahan ang APECO sa usapin kung paano nila ginagastos ang kanilang pondo.

Pahayag ng pari, isang malaking katiwalian ang nasabing proyekto dahil hindi naman nakikinabang dito ang mamamayan lalo na ng Casiguran Aurora dahil na rin sa online gambling ang itatayo dito maliban pa sa ipinasa ang batas na ito ng wala man lamang konsultasyon sa publiko.

Sinabi pa ni Fr. Talaban, kahit may kaso na ang APECO na inihain ng Department of Agrarian Reform dahil sa illegal conversion sa mga sakahan, ipinagpapatuloy pa rin ang proyekto.

“Nagpunta kami dito upang igiit na huwag pondohan ang APECO, kasi ito ay isang napakalaking corruption sa ating bansa. Taon-taon tumataas ang notice of disallowance, umabot na sa 522 bilyon, at nagkaroon din ng cease and desist order ang DAR at kinasuhan ng DAR ang mga matataas na opisyal ng APECO dahil dun sa illegal conversion na ginawa nila sa aming mayamang sakahan. Pero napakatigas ng ulo nila kasi di sila nakikinig. Pangatlo, anong klaseng negosyo ang ilalagay nila, lumabas na online gambling sugal na na naman, di talaga ito ang gusto ng mga tao kundi kaunlaran. Lahat ng mga proyekto ay wasak, sira at wala talagang kapakinabangan ang tao. Sakit pa ang tubig na napagkukunan sana ng bayan ng Casiguran para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan ay pinipigilan ng APECO, kasi sabi nila sa kanila daw yung lugar na pagkukunan ng lupa. Tanong ko, kailan pa naging may ari ang apeco sa Casiguran, kaya maraming kuwestiyunable na klase ng transaksyon na nangyayari na talagang hindi ito maka-tao, hindi maka-Diyos at hindi maka-kalikasan,” pahayag ni Fr. Talaban sa panayam ng Radyo Veritas.

Nanawagan din ang pari sa administrasyong Duterte na kung talagang lumalaban ito sa katiwalian, imbestigahan ang APECO dahil narito mismo ang anumalya dahil sa may mga ghost employees at laging humihiling ng budget na ang proyekto ay bagsak naman.

“Maraming empleyado sa APECO na hindi qualified, grade 2 lang yung iba, yung iba ghost employees na napakataas ng mga sahod pero wala namang ginagawa, nagsasayang lang talaga ng pera, kung ang gobyerno natin ngayon lumalaban sa corruption, ang apeco ang halimbawa ng corruption. Nine years na mula ng ipasa ang batas na ito, walang nangyari, sira bagsak di nagtagumpay, so ano pa ang dapat nating popondohan kung itong mga proyekto na ito hindi talaga nagtagumpay,”ayon pa sa pari.

Ang Aurora Special Economic Zone Act of 2007 o RA 9490 na ipinasa 9 na taon na ang nakalilipas ay isang eksklusibong lugar para sa negosyong pang eksport at para sa mga Trans National Corporation (TNCs) at lokal na mayayamang kapitalista na sumasakop sa 500 ektarya sa Bgy. Esteves, Dibet at Dibacong sa bayan ng Casiguran.

Sa kasalukuyan, ay may nakahaing amyenda para baguhin ang pangalan (Aurora Pacific Economic Zone and Free Port) at palawakin pa na umaabot sa 13,852 ektarya na sumasakop sa mga Barangay tulad ng Dibet, Esteves, Dibacong (1,000 ektarya) at Cozo, San Ildefonso, Culat at Lual (12,852 ektarya).

Tutol dito ang mga taga Casiguran dahil mawawalan ng lupa ang mga lihitimong nagmamay-ari nito gaya ng mga katutubo, magsasaka at mangingisada, manganganib ang kasiguruhan sa pagkain, mawawalan ng kasigurihan sa paninirahan at iba pa.

Mariing kinokondena ng Simbahang Katolika ang katiwalian kayat hinihimok nito ang mga lider ng mga bansa na magpatupad ng mga proyekto, programa at patakaran na ang makikinabang ay mayorya o kapakanan ng nakararami ang bigyang halga at hindi lamang ang iilan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 12,062 total views

 12,062 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 185,996 total views

 185,996 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 163,629 total views

 163,629 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 227,379 total views

 227,379 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 246,298 total views

 246,298 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 60,616 total views

 60,616 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 260,246 total views

 260,246 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top