“The Philippines must be a friend to all but an enemy of none”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 339 total views

“The Philippines must be a friend to all but an enemy of none.”

Ito ang payo ng Pro-life lawyer at International Law expert na si Atty. Marwil Llasos sa Pangulong Rodrigo Duterte kung nais nitong magkaroon ng independent foreign policy kasabay ng pagsasabing hindi dapat ito nang-aaway lalo na ng mga dating kaalyadong bansa.

“Yung sinasabi niya na dapat pantay pantay ang pakikipagtrato sa ibang bansa, yung independent foreign policy is nasa Constitution yan, saludo ako sa kanyang pananaw, pero the way he is acting, you don’t create a necessary enemy gusto mo ng independent policy pero wag mong birahin ang isang dati mong kaalyado, and you don’t have to say necessary words just to create impression that you want an independent foreign policy and an independent policy does not mean being against US or being pro-China,advise ko sa kanya, the best foreign policy of the Philippines is our country must be a friend to all but an enemy of none, yan ang tunay na independent foreign policy.”

Kaugnay nito, inihayag pa ng international law expert na masasakrispisyo ang mga Filipino na nasa Amerika maging ang ekonomiya ng bansa sakaling talagang putulin ng Administrasyong Duterte ang relasyon nito sa US.

“Yung cutting ties mahirap yan, alam natin may historical ties tayo sa Amerika at maraming Filipino ang nasa US, so talagang kailangan natin ang pakikipagrelasyon sa ibang bansa gaya ng US para maprotektahan ang ating mga kababayan na naroon. Marami ring investments ang US sa bansa, number one ang US pagdating sa foreign direct investments so ibig sabihin niyan to cut ties eh medyo mahirap yan dahil marami tayong stake na involved,” ayon pa sa abogado.

Pinayuhan din ni Atty. Llasos ang Pangulong Duterte na maghinay-hinay sa pagsasalita dahil nakakaalarma ang kanyang mga unang pahayag at nalilito ang publiko sa kung totoo o hindi ang kanyang mga sinasabi gaya nga nitong Goodbye Amerika issue.

“Yan ang nakakalito, iba ang sinasabi ng president pagkatapos niyang magsalita iba sasabihin ng gabinete so nalilito ang taong bayan kung ano ang paniniwalaan, so u know the highest official of the land is the president, klaro sa kanyang sinabi na he will cut ties with the US…goodbye my friend like that, tapos sabi ng kanyang subordinate it’s not separation with the US especially our economic ties, nakakalito, so maaalarma ka. Ako kasi yung words ng pangulo sa China maging sa pagbalik niya sa Pilipinas ay fighting words, nakakaalarma, yun ang foreign policy natin ngayon yung relations sa US, magdadalawang isip ako kung maglalagak ako ng salapi pagdating sa investment,” pahayag pa ni Atty. Llasos.

Pahayag pa ni Atty. Llasos, hindi rin maganda na sabihin ng Pangulo na hindi dapat sineseryoso ang kanyang mga sinasabi dahil mawawalan siya ng kredibilidad bunsod na ito ay mga sensitibong usapin na nakakaapekto sa ekonomiya, pulitika at iba pang uri ng alyansa.

“Merun tayong treaty sa US , yan ay may bisa hangga’t di pinapawalang bisa ng 2 partido, so yan nanatili ngunit wag nating kakalimutan na ang pangulo ng bansa ay siyang chief architect ng foreign policy and relations, so lahat ng sinasabi ng pangulo ay tinitingnan bilang isang polisiya ng kasalukuyang rehimen, so hindi natin dapat balewalain ang sinasabi ng pangulo dapat responsible siya dahil whatever comes out of his mouth yan ang paniniwalaan ng mga nasyon na his policy, may bigat yun, otherwise kung sasabihin natin wag tayo magpapaniwala, sa sinasabi ng presidente eh parang wala namang credibility parang di naman siya seseryosihin dapat nakakalungkot, mabigat na usapin ang diplomacy dahil may ugnayan ito sa relasyon natin sa ibang bansa na nakakaapekto sa ekonomiya, pulitika at sa iba pang uri ng alyansa natin,” ayon pa sa international law expert.

Una ng inihayag ng National Economic Development Authority na tututok lamang ang Pilipinas sa regional integration sa mga bansa sa Asya kabilang ang China sa pamamagitan ng re-balancing at hindi separation ang nais nito sa Amerika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 12,092 total views

 12,092 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 186,026 total views

 186,026 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 163,659 total views

 163,659 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 227,409 total views

 227,409 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 246,325 total views

 246,325 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 60,618 total views

 60,618 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 260,248 total views

 260,248 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top