Rehabilitation assistance sa typhoon Lawin survivors, inihahanda ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 399 total reads

Inihahanda na ng Archdiocese of Manila ang pagpapadala ng 300 libong pisong donasyon sa mga diocese na naapektuhan ng bagyong lawin.

Ayon sa Caritas Damayan, ang Disaster Risk Management and Response Program ng Caritas Manila, kinukumpleto nila sa kasalukuyan ang mga datos mula sa mga Social Action Center ng mga apektadong Diocese.

Tiniyak ng Caritas Damayan ang agarang pagpapadala ng rehabilitation assistance sa mga Diyosesis na sinalanta ng bagyo.
Ang pondo ay magmumula sa iba’t-ibang mga Parokya sa lungsod ng Maynila,Pasay,Mandaluyong, San Juan at Makati kasama ang pondo mula sa Alay Kapwa Program ng Archdiocese of Manila.
Ang Alay Kapwa ay isang programa ng Simbahang Katolika tuwing panahon ng kuwaresma kung saan lumilikom ng pondo para itulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Ilan sa mga diyosesis na labis na napinsala ng bagyong Lawin ay ang Archdiocese of tuegegarao sa Cagayan, Diocese of Ilagan sa Isabela, Apostolic Vicariate of Tabuk sa Kalinga Apayao, at Diocese of Laoag, sa Ilocos Norte.

Nabatid na aabot sa 657 milyong piso ang kabuuang halaga ng pinsala ng bagyong lawin sa mga lalawigan sa hilagang Luzon.

Sa datos ng NDRRMC, aabot sa 13,428 pamilya o mahigit 61,126 indibidwal ang naapektuhan sa limang rehiyon sa Luzon.

Ang bagyong Lawin ang pinakamalakas na bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong taong 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Perwisyo sa NLEx

 21,717 total reads

 21,717 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 58,218 total reads

 58,218 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 278,839 total reads

 278,839 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 313,507 total reads

 313,507 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 328,079 total reads

 328,079 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 103,698 total reads

 103,698 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top