Relasyon ng US at Phils. nananatiling matatag-DFA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 509 total views

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang dapat ikabahala sa relasyon ngayon ng Pilipinas at Amerika matapos ang kontrobersyal na pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa relasyon ng dalawang bansa.

Ayon kay DFA spokesman at assistant secretary Charles Jose, nais lamang ng Pangulo na palawakin ang pakikipagrelasyon nito sa iba pang mga kapitbahay na bansa sa Asya maliban sa Estados Unidos na may mutual defense treaty na kailangang pahalagahan ng magkabilang panig.

“Meron tayong treaty alliance with the US noong 1951 mutual defense treaty, pinahahalagahan nila ang kanilang treaty obligation and commitment with the Philippines para sa ating security and defense, hindi na tayo masyadong dependent sa US as before, self reliant tayo kaya natin tumayo sa ating sarili. Yung independent foreign policy, ang sitwasyon ay ang national interest ang mahalaga, in terms of economic interest, sa ating palagay mas makabubuti sa ating economy kung ibo-broaden ang ating horizon at makakapag-established tayo ng economic relations with different countries, gusto natin maging equal ang lahat ng pakikitungo ng ating bansa, ”pahayag ni Jose sa panayam ng Radyo Veritas.

Tiniyak din ng DFA spokesman na nananatiling matibay ang relasyon ng dalawang bansa gaya na rin ng pagtiyak ni Daniel Russel, assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs nang mag courtesy call it okay DFA secretary Perfecto Yasay.

“Nag-courtesy call siya kay secretary Yasay, ang mahalagang mensahe ni Russel para sa akin ay yung pinahahalagahan ng US ang relations with the Philippines. Gusto nila na makita natin ang US bilang isang trusted partner at reliable ally, gusto nilang makipagtulungan sa atin para matiyak na mananatili ang ating relationship bilang isang matatag at malakas na relationship yun ang importante na mensahe niya para sa atin,” ayon pa kay Jose.

Una ng inihayag ng National Economic Development Authority (NEDA) na tututok lamang ang Pilipinas sa regional integration sa mga bansa sa Asya kabilang ang China sa pamamagitan ng rebalancing at hindi separation ang nais nito sa Amerika.

Sakaling masira ng tuluyan ang relasyon ng US at ng Pilipinas, nasa 3.4 milyon ang mga Filipino na nasa Amerika na magsasakripisyo lalo na at malaki ang kontribusyon nila sa ekonomiya ng bansa kung saan nitong first quarter ng 2016 nasa $11.9 bilyon ang personal remittance ng mga Overseas Filipino Workers.

Inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na upang makamit ang kapayapaan at kaunlaran, kinakailangan ang pagkakaisa ng mga bansa at ng bawat mamamayan para na rin sa kapakinabangan ng nakararami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 13,704 total views

 13,704 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 187,638 total views

 187,638 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 165,271 total views

 165,271 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 228,976 total views

 228,976 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 247,794 total views

 247,794 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 60,734 total views

 60,734 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 260,319 total views

 260,319 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top