Pangulong Duterte, hindi maaaring magdesisyong mag-isa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 317 total views

Hindi maiiwasang maikumpara ang Pangulong Rodrigo Duterte sa isang “diktador” dahil sa desisyon nitong putulin ang relasyon sa Amerika lalo na sa usaping ekonomiya at suportang militar.

Ito ang naging pahayag ng dating pangulo ng CBCP at Lingayen, Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa pagkalas ni Pangulong sa Amerika at paboran ang China.

Nilinaw ni Archbishop Cruz na dapat munang ikonsulta ng Pangulong Duterte ang mga pahayag nito sa hudikatura at lehislatura.

Ayon sa Arsobispo, lumalabas na lahat ay idinidikta na lamang ng Pangulo ang sarili nitong desiyon ng walang konsultasyon o hindi man lang naidadaan sa proseso ng dalawa pang sangay ng pamahalaan.

“Halimbawa yung mga treaty, agreement, etc., hindi naman lahat ng ito ay puwedeng executive department lang, kailangan dadaan pa sa legislative department kung hindi ‘diktador’ yan. Ibig sabihin lahat nalang ay executive department walang pakialam ang judicial pati legislative lalo na sa mga pahayag ng ating pamunuan sa ngayon,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Iginiit pa ng dating CBCP president na sawang – sawa na rin siya sa presensiya ng Estados Unidos lalo na sa pagtatayo nito ng mga base militar na umaabot na sa lima ngunit pinangangambahan nito na maaring ikapahamak ng bansa ang desisyon lalo sa girian ng US at China.

Nakatitiyak rin ang Arsobispo na maaari ring gamitin ng Amerika ang pang – ekonomiyang potensiyal sa Asya Pasipiko lalo’t ayon sa US Geological survey na tinatayang may kabuuang 21,632 milyong bariles ng langis pa ang di nadidiskubre sa rehiyong ito na makakapagpa-angat sa kinalulugmukan nitong krisis pinansiyal.

“Ako man ay pagod na pagod na sa kano, ako man kay Uncle Sam ay sumusuko na rin. Ang sabi ko lahat ng yan kailangan ay idaan sa legislative department. Hindi basta – basta kung ano ang gusto ng executive ay siyang gagawin, siyang sasabihin at siyang tutuparin,” giit pa ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

Ayon sa pandaigdigang survey ng WIN/Gallup International para sa taong 2013, US ang tinitingnan ng mga mamamayan ng mundo bilang pinakamalaking banta sa kapayapaan ng mundo.

Kaya’t patuloy namang ipinanawagan ng kanyang Kabanalan Francisco sa United Nations na kailangang mapanatili ang pakikipag – dayalogo sa mga bansang may banta ng kaguluhan upang mangibabaw ang kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 56,569 total views

 56,569 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 56,569 total views

 56,569 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 56,569 total views

 56,569 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 54,837 total views

 54,837 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 50,094 total views

 50,094 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 194,394 total views

 194,394 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top