Muling paghahain ng divorce bill sa Kongreso, kinundena ng SLP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 708 total reads

Kinundina ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang muling paghahain ng panukalang batas para sa pagkakaroon ng diborsyo sa Pilipinas.

Ayon kay LAIKO Public Relations Officer Bro. Xavier Padilla, hindi katanggap-tanggap ang muling paghahain ni Albay Representative Edcel Lagman ng House Bill No. 78 o ang “Absolute Divorce Act” sa paniniwalang ang diborsyo ay bahagi ng karapatan ng mga kababaihan.

Ipinaliwanag ni Padilla, chairman ng Family Rosary Crusade at Chief Communications Officer ng Couples for Christ Foundation, ang pagpapahintulot sa pagkakaroon ng diborsyo sa bansa ay makakasira lamang sa pamilyang Pilipino at moral na pagpapahalaga ng mamamayan.

“The Sangguniang Laiko ng Pilipinas denounces the re-filing of Albay Rep. Excel Lagman of his Absolute Divorce Act. Allowing divorce will further damage the Filipino family, and attack the morals and values that are inherently Pinoy,” pahayag ni Padilla sa Radio Veritas.

Iginiit ni Padilla na dapat mamulat ang mga Pilipino sa masamang epekto ng diborsyo sa mga kabataan tulad na lamang sa Western countries kung saan karaniwang naliligaw ng landas ang mga kabataang magkahiwalay ang magulang dahil na rin sa kakulangan ng paggabay.

Inihayag ni Padilla na sa halip isulong ang diborsyo ay mas dapat na tutukan ang ganap na paghahanda sa mga magpapakasal para sa buhay may asawa sa pamamagitan ng counseling at higit na pagpapalalim sa kanilang buhay espiritwal.

“We see from Western countries how divorce affects the children, and lead them on paths to brokenness. We instead should work on marriage preparation, counseling and stronger support systems for couples and families,” dagdag pa ni Padilla.

Unang inihain ang panukalang Absolute Divorce sa Senado noong 17th Congress na isinulong din ni Lagman sa Kongreso noong 18th Congress ngunit nanatili lamang sa Committee on Appropriations.

Kabilang ang diborsyo sa itinuturing ng Simbahang Katolika na Death Bills na mga panukalang batas na labag sa utos ng Diyos at taliwas sa misyon na iniatang sa Simbahan para sa pagpapatibay ng pundasyon at kasagraduhan ng buhay at pamilya.

Sa kasalukuyan tanging sa Pilipinas at Vatican City na lamang walang umiiral na batas na nagpapahintulot ng diborsyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 35,535 total reads

 35,535 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 66,807 total reads

 66,807 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 144,548 total reads

 144,548 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 238,776 total reads

 238,776 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 297,920 total reads

 297,920 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 22,611 total reads

 22,611 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top