AVOSA, lubos ang pasasalamat kay Bishop-Emeritus Paul Hinder

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 624 total reads

Pinasalamatan ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia (AVOSA) si Bishop-Emeritus Paul Hinder sa taus-pusong paglilingkod sa mananampalataya sa Middle East.

Ayon kay AVOSA Vicar General Filipino Franciscan Capuchin Fr. Troy de los Santos, malaki ang naitulong ni Bishop Hinder na mapayabong ang kristiyanismo sa lugar na mayorya ay mga Muslim.

Inilarawan ng pari ang pagiging masigasig ng obispo sa pamamahala sa nasasakupang kawan kasama ang mga lingkod ng simbahan sa bikaryato.

“As a Missionary-Bishop you have encouraged us to step out without fear, as a pilgrim people into the mission. As our leader you have led us always with a heart for Christ and Christ’s people. You bear witness to the spirit within you, and you have led us with humility, wisdom and grace,” bahagi ng mensahe ni Fr. delos Santos sa Radio Veritas.

Tinukoy ng pari ang pagsisikap ni Bishop Hinder na magbuklod ang mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw at pananampalataya sa Middle East at binigyang pagkakataon ang bawat isa na mapakinggan.

Pinamunuan ni Bishop Hinder ang Vicariate of Arabia ng 18 taon na may mahigit isang milyong katoliko o katumbas ng 2.3-percent sa kabuuang 43 milyong populasyon.

Tiniyak naman ni Fr. delos Santos ang pakikipagtulungan kay Bishop Paolo Martinelli ang bagong talagang obispo ng AVOSA upang maipagpatuloy ang mga programang sinimulan sa termino ni Bishop Hinder.

Sa mensahe ni Bishop Martinelli na isinalin ni Fr. delos Santos sa Filipino, sinabi nitong ipagpatuloy ang synodality batay sa panawagan ng Santo Papa Francisco.

“Sa pagsisimula ng aking paglilingkod, at alinsunod sa patnubay ni Papa Francisco, nais kong bigyang-diin ang kahalagahan na higit pang itaguyod ang sama-samang paglalakbay sa ating Simbahan,” bahagi ng mensahe ni Bishop Martinelli.

Sisikapin ng obispo na gampanan ang pagiging pastol ng bikaryato upang tulungang umunlad ang buhay pananampalataya at isulong ang pagiging simbahan sa iisang katawan ni Kristo na binubuo ng iba’t ibang kultura, espirituwal na tradisyon at maging ng mga rito.

Magugunitang aktibo ang mga Filipino migrants sa Middle East sa pakikilahok sa mga gawain ng AVOSA lalo na ang pagdalaw ni Pope Francis noong 2019. (With reports Rommel Pangilinan)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 35,519 total reads

 35,519 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 66,791 total reads

 66,791 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 144,533 total reads

 144,533 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 238,761 total reads

 238,761 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 297,905 total reads

 297,905 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top