Muling paghahain ng divorce bill sa Kongreso, kinundena ng SLP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 742 total reads

Kinundina ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang muling paghahain ng panukalang batas para sa pagkakaroon ng diborsyo sa Pilipinas.

Ayon kay LAIKO Public Relations Officer Bro. Xavier Padilla, hindi katanggap-tanggap ang muling paghahain ni Albay Representative Edcel Lagman ng House Bill No. 78 o ang “Absolute Divorce Act” sa paniniwalang ang diborsyo ay bahagi ng karapatan ng mga kababaihan.

Ipinaliwanag ni Padilla, chairman ng Family Rosary Crusade at Chief Communications Officer ng Couples for Christ Foundation, ang pagpapahintulot sa pagkakaroon ng diborsyo sa bansa ay makakasira lamang sa pamilyang Pilipino at moral na pagpapahalaga ng mamamayan.

“The Sangguniang Laiko ng Pilipinas denounces the re-filing of Albay Rep. Excel Lagman of his Absolute Divorce Act. Allowing divorce will further damage the Filipino family, and attack the morals and values that are inherently Pinoy,” pahayag ni Padilla sa Radio Veritas.

Iginiit ni Padilla na dapat mamulat ang mga Pilipino sa masamang epekto ng diborsyo sa mga kabataan tulad na lamang sa Western countries kung saan karaniwang naliligaw ng landas ang mga kabataang magkahiwalay ang magulang dahil na rin sa kakulangan ng paggabay.

Inihayag ni Padilla na sa halip isulong ang diborsyo ay mas dapat na tutukan ang ganap na paghahanda sa mga magpapakasal para sa buhay may asawa sa pamamagitan ng counseling at higit na pagpapalalim sa kanilang buhay espiritwal.

“We see from Western countries how divorce affects the children, and lead them on paths to brokenness. We instead should work on marriage preparation, counseling and stronger support systems for couples and families,” dagdag pa ni Padilla.

Unang inihain ang panukalang Absolute Divorce sa Senado noong 17th Congress na isinulong din ni Lagman sa Kongreso noong 18th Congress ngunit nanatili lamang sa Committee on Appropriations.

Kabilang ang diborsyo sa itinuturing ng Simbahang Katolika na Death Bills na mga panukalang batas na labag sa utos ng Diyos at taliwas sa misyon na iniatang sa Simbahan para sa pagpapatibay ng pundasyon at kasagraduhan ng buhay at pamilya.

Sa kasalukuyan tanging sa Pilipinas at Vatican City na lamang walang umiiral na batas na nagpapahintulot ng diborsyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 45,331 total reads

 45,331 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 125,185 total reads

 125,185 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,632 total reads

 158,632 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,930 total reads

 193,930 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,727 total reads

 418,727 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top