Face-to-face classes, inaasahang magpapababa sa kaso ng depression ngayong COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 535 total reads

Ugaliing manalangin sa Diyos at hilingin ang paggabay ng Espiritu Santo tuwing nahaharap sa pagsubok sa pag-aaral na dulot ng pandemya.

Ito ang mensahe at paalala ni Madeleine Rowe Zapanta – Pangulo ng Catholic Youth Organization (CYO) sa mga kabataang mag-aaral kaugnay ng nalalapit na pagsisimula ng School Year 2022-2023 sa Agosto.

“As we return to the normal business of our lives, I hope we never forget to be still and be grateful to God. Despite our many activities or socializations, stop, be quiet, and pray first. A small 5 minute prayer can be your guiding light for the entire day,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Zapanta sa Radio Veritas.

Ayon kay Zapanta, ang pagdaraos ng face-to-face classes ay mahalagang karanasan na maglilinang sa kakayahan ng mga estudyante na makipag-kapwa.

Inaasahan din ng CYO na matutulungan ng panunumbalik ng mga pisikal na klase ang mga mag-aaral na nakaranas ng depresyon at pakabalisa na makabangon at tuluyan ng maibsan ang mga nararamdaman.

“What does it mean to be a good student? Is it the grades? The extra curriculars? Being a good student is different for everyone. But if allow yourself to be guided by the Holy Spirit in your thoughts and actions, you can become the best student that you can be,” ayon pa sa mensahe ni Zapanta sa mga Kabataan.

Taong 1938 ng itatag sa bansa ang Catholic Youth Organization bilang Sangay ng Sangguniang Laiko sa Pilipinas upang matiyak ang paggabay ng Simbahang Katolika sa mga kabataang katoliko

Ayon sa Department of Education (DepEd) School Calendar, magsisimula sa August 22 2022 ang susunod na taon ng pag-aaral na magwawakas sa July 07, 2023 kung saan una ng hinimok ng kagawaran ang lahat ng paaralan na makiisa sa pagdaraos ng face-to-face classes.

Una naring ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang layunin ni Vice-president at Education Secretary Sara Duterte na ipatupad ang 100% face to face ng mga mag-aaral sa lahat ng paaralan sa Nobyembre 2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 37,112 total reads

 37,112 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 68,383 total reads

 68,383 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 145,973 total reads

 145,973 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,201 total reads

 240,201 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 299,300 total reads

 299,300 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top