Humihiling ng medical assistance sa Simbahan, tumataas ang bilang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,406 total reads

Tumaas ang bilang ng lumalapit sa mga institusyon ng Simbahang Katolika para humingi ng tulong sa kanilang pagpapagamot.

Ito ang lumabas sa datos ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas, kung saan mula sa halos 50 indibidwal lamang ay umabot na sa 120 pasyente kada araw ang lumalapit sa Radio and Online Program para umapela ng tulong pinansiyal sa kanilang mga gamutan tulad ng kidney dialysis, chemotherapy at iba’t-iba pang medical conditions.

Ayon kay Maricar Fariñas, Program Officer ng Crisis Intervention Program ng Caritas Manila , nadagdagan ang daily average ng crisis patient na lumalapit sa kanilang tanggapan lalo na sa pamamagitan ng online platform na Facebook habang dumami na din ang pumipila at nagsasadya sa himpilan ng Radyo Veritas sa Quezon City dahil sa pagluluwag ng mga ipinatutupad na health restriction.

“Actually mas dumami simula ng mag ship din tayo sa technology noong sumabay tayo sa period ng pandemya mula ng maging virtual tayo [panawagan] naging triple yun dami ng kliyente na naabot natin mula Luzon, Visayas at Mindanao. Sa virtual sa pamamagitan ng email at Facebook pa lang nasa 100 plus na [Patients] hindi pa kasama yun nagsasagot ng mga form sa portal, then sa walk in nasa average ng 15 to 20 clients a day sa tanggapan ng Radyo Veritas bukod pa sa Caritas Manila sa Pandacan [Manila],” pahayag ni Fariñas sa Caritas in Action.

Batay sa pahayag ng ilan sa mga pasyente na lumapit sa Caritas in Action, marami nang institusyon ang tumigil na sa pagbibigay ng ayuda sa mga naggagamot dulot na rin ng epekto ng pandemya habang natigil naman ang pagbibigay ng guaranteed letter ng mga Senador, Kongresista at mga Local Government Units dahil sa nagdaang halalan.

Hinikayat ni Fariñas ang mga mananampalataya na suportahan ang programa ng Caritas Manila at Radyo Veritas upang matugunan ang malaking bilang ng mga pasyente nangangailangan ng pagtulong.

“Sa mga nagnanais po tumulong o makatulong kami po ay nananawagan ng inyong suporta sa mga indibidwal at komunidad na nangangailangan ng tulong, maari po natin gamitin ang makabagong teknolohiya para mas maging mabilis ang tulong na nais nating ibahagi,” panawagan ni Farinas.

Kaugnay nito tumaas din ang bilang ng mga lumalapit at humihingi ng tulong sa Diyosesis ng Kalookan.

Batay sa datos ng Caritas Kalookan halos nasa 300 indibidwal ang lumapit na sa kanilang tanggapan para sa medical assistance sa simula ng taong 2022.

Magugunitang ang Simbahan Katolika ay itinuturing na isa sa pinakamalaking charitable institution sa buong mundo.

Sa bahagi ng Crisis Intervention ay sinisikap ng bawat parokya o simbahan na makagawa ng pagtulong batay sa kakayanan nito at mula din sa donasyon ng mga mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 37,100 total reads

 37,100 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 68,371 total reads

 68,371 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 145,961 total reads

 145,961 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,189 total reads

 240,189 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 299,288 total reads

 299,288 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,114 total reads

 100,114 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top