Mamamayan, binalaan ng Diocese of Mati laban sa babaeng nagpapanggap na Madre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 775 total reads

Nagbabala ang Diocese of Mati kaugnay sa mga nagpapanggap na lingkod ng Simbahan na ginagamit ang pangalan ng diyosesis at ng Simbahang Katolika upang linlangin ang mga mananampalataya.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi ng diyosesis ang larawan ng isang babaeng nakasuot ng Catholic nun habit na umiikot sa lungsod upang humingi ng donasyon para sa isang misyon ng Simbahang Katolika.

Kalakip din ng naturang babala ang larawan ng isang sobre na ipinamamahagi ng nasabing babae kung nasaan mababasa ang Mararca International Catholic Church at Maharlikan Apostolate Missionary (Congregation).

Paglilinaw ng Diyosesis ng Mati, walang kaugnayan sa diyosesis at sa Simbahang Katolika ang nasabing babae at ang kongregasyon na makikita sa kanyang ipinapamahaging sobre para sa donasyon.

“WARNING | These photos are sent to us about an individual wearing a Catholic nun habit and is roaming around in the City of Mati asking for donation for the supposed mission using the name of the Catholic Church. Please be informed that this individual is not connected to the Diocese of Mati and to the Catholic Church,” ang babala ng Diyosesis ng Mati.

Kaugnay nito patuloy na pinapaalalahanan ng Simbahang Katolika ang mananampalataya na mag-ingat laban sa mga mapagsamantalang indibidwal o grupo na ginagamit ang pangalan ng Simbahan, kongregasyon, cardinal, obispo, pari, madre at iba pang lingkod ng Simbahan upang makapanglinlang at makapangalap ng donasyon.

Paalala ng Simbahang Katolika sakali mang makatanggap ng mga kaduda-dudang solicitation letter lalo na sa pamamagitan ng online ay marapat na agad makipag-ugnayan sa tanggapan ng parokya o ng diyosesis upang matiyak ang pagiging lehitimo ng natanggap na sulat para sa donasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 78,923 total reads

 78,923 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 113,522 total reads

 113,522 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 148,822 total reads

 148,822 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 375,091 total reads

 375,091 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 264,233 total reads

 264,233 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top