Rights of Nature Act, muling isusulong sa 19th Congress

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 727 total reads

Muling isusulong sa 19th Congress of the Philippines ang pagsasabatas sa panukalang kilalanin ang karapatan ng kalikasan.

Ang Senate Bill No. 1097 o Rights of Nature Act of 2019 ay isinulong ni Senator Risa Hontiveros sa 18th Congress na muling isinama ng senador sa kanyang first 10 priority bills para sa pagbubukas ng 19th Congress sa Hulyo 25.

Ang konsepto ng Rights of Nature Bill ay nagmula sa kampanya ng Philippine Miserior Partnership Inc. (PMPI) katuwang ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – NASSA/Caritas Philippines upang isulong ang karapatan ng inang kalikasan laban sa labis na pang-aabuso ng mga tao.

Ayon kay Mel Asia, Anti-Mining Campaign program officer ng PMPI, tulad ng mga tao, layunin ng panukalang batas na bigyan ng legal na pagkilala o mga karapatan ang kalikasan.

“Ito ay nagbibigay ng legal entity sa ating nature para hindi siya abusuhin. Para bigyan din natin ng pagtingin na kung ano ‘yung rights na nae-enjoy ng human, sana nae-enjoy din ito ng kalikasan, Halimbawa, ‘yung rights natin na mabuhay, sana ganun din ‘yung nature, meron din siya. Mag-thrive, mag-bloom, sana nirerecognize natin na may ganoong karapatan ang kalikasan,” pahayag ni Asia sa panayam ng Radio Veritas.

Kapag ganap nang naisabatas ang Rights of Nature Bill, inaasahang magbibigay-daan ito upang ang kalikasan, sa pamamagitan ng tao, pamayanan o grupo ay magkaroon ng karapatang makapagsampa ng kaso laban sa mga lumalabag sa mga umiiral na batas.

Sa kasalukuyan, naghahanap pa ng kinatawan ang PMPI upang maisulong muli sa mababang kapulungan ang panukalang batas na noo’y pinangunahan ng dating Quezon City 6th District Representative Congressman Kit Belmonte.

Nakasaad sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang relasyon ng tao sa kalikasan ay hindi maaaring ihiwalay sa pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa Diyos sapagkat mawawalan ito ng saysay at maituturing na pagpapakitang-tao lamang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 146,066 total reads

 146,066 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 204,232 total reads

 204,232 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 340,737 total reads

 340,737 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 452,704 total reads

 452,704 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 247,866 total reads

 247,866 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top