Green groups, positibo sa mga pangako ng Pangulong Marcos para sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 895 total reads

Ikinatuwa ng Oceana Philippines ang layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pagtutuunan ang paglikha ng mga programang mangangalaga sa kalikasan at kapaligiran ng bansa.

Ayon kay Oceana Philippines Vice President Attorney Gloria Estenzo-Ramos, magandang simulain ng administrasyong Marcos na matugunan ang lumalalang krisis sa kalikasan tulad ng climate change.

“He’s one of the few presidents who even mention climate change. It’s an acknowledgement na he knows na we, Filipinos are really facing this great crisis,” pahayag ni Ramos sa panayam ng Radio Veritas.

Ilan sa mga dahilan ng pagbabago ng klima ng bansa ay ang patuloy na operasyon ng mga coal-fired power plant na naglalabas ng mainit at maitim na usok na nagpapainit sa temperatura ng kapaligiran at polusyon sa hangin.

Inaasahan sa bagong administrasyon na mababawasan na ang operasyon ng mga coal-fired power plant at mas mapagtutuunan ang pagsusulong para sa renewable energy na tiyak na ligtas, malinis at abot-kaya para sa mamamayan.

Samantala, pinuri din ng Oceana ang magiging hakbang ng bagong administrasyon hinggil sa lumalalang plastic pollution sa bansa.

Ito’y matapos ring mabanggit ni Pangulong Marcos, Jr. sa kanyang inaugural speech na layunin ng kanyang administrasyon na gawing malinis ang Pilipinas at maiwasan na muling mabansagan bilang ikatlong pinakamalaking plastic waste producer sa buong mundo.

Sinabi ni Ramos na ang hakbang na ito ay halimbawa na nakahanda ang kasalukuyang administrasyon na tugunan ang mga mahahalagang suliraning dapat unahin.

“Parang siya rin ang isang presidente na nagsalita tungkol sa plastic pollution kasi normally mga legislators, mga mayors but never at the level of the president. Natutuwa naman ako na mukhang alam niya kung ano ‘yung issues that needs to be prioritized kasi minention talaga niya sa inaugural speech niya,” ayon kay Ramos.

Batay sa tala, aabot sa tatlong milyong tonelada ng plastic waste ang nalilikha ng bansa bawat taon at nasa 20 porsyento nito ang napupunta sa mga karagatan.

Napag-alaman din sa pag-aaral noong 2018 tungkol sa waste management practices na sa kabila ng mataas na antas ng pagkolekta sa mga basura ay nananatili pa ring suliranin sa bansa ang wastong pagtatapon sa mga basura.

Umaasa naman ang Oceana Philippines na tunay na maisasakatuparan ng bagong administrasyon ang magandang layunin nito tungo sa ikabubuti ng kalikasan at ng mamamayan.

Sa kasalukuyan, wala pa ring naitatalagang kalihim si Pangulong Marcos Jr para sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nauna nang nanawagan ang mga makakalikasang grupo at simbahan sa Marcos Jr. Administration na magtalaga ng DENR Secretary na tunay na makakalikasan at walang anumang kaugnayan sa malalaking kumpanya na lumalabag sa mga panuntunan at adhikain ng ahensya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,561 total reads

 77,561 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 112,259 total reads

 112,259 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,559 total reads

 147,559 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,828 total reads

 373,828 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 263,031 total reads

 263,031 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,105 total reads

 155,105 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top